My Photo
Powered by Friendster Blogs
Member since 04/2005

June 29, 2008

Ang cellphone sa buhay ni Karen.

Ito po ay sinulat ko sa pagsagot sa forum thread patungkol sa Cellphone History sa www.KKBMovement.org. minarapat ko na i-share din ito sa inyo. **** 2nd yr HS ako nun unang nagka celfone. *2000 - alcatel - un pang talk and text noon. smart ung sim ko. 5k ang bili ng nanay ko dito. *2001 - nokia 3210 - pinaglumaan ng nanay na pinasa kay ate at pinasa sa akin. globe na ako nito, napressure kasi ako kasi lahat ng kapamilya ko naka globe. *2004 - nokia 8250 - isa sa mga paborito kong phone. pinaglumaan ni mommy na pinasa kay ate na pinasa sa akin. maliit siya at may calendar. kaya hindi ako nakakalimot bumati ng haberdey sa mga kaibigan ko. nawala ito. *2005 - nokia 3510 - ang una kong colored phone. pinaglumaan ng nanay ko na pinasa sa akin (atleast hindi dumaan kay ate!). nawala din. *2005 - nokia 3510 ulit. - pinaglumaan ni ate na pinasa sa akin. nawala ulit. ___commercial: kung gusto niong malaman kung saan nawala ang huling tatlong phone ko, PM me. ma-aamaze kayo promise.__ *2006 - halos isang taon din na wala akong cellphone dahil nadala na ang nanay ko sa akin. *2006 - nokia 3100 - ang cute ng cellphone na ito dahil glow in the dark ang cover, rhythmic ang lights, at malambot ang keypad. sobrang cool niya. pero binenta ng nanay ko nung magkaroon na ako ng ibang phone. *2006 - SE k700i - pinaglumaan ni ate na pinasa sa akin. ok sana siya pero ang hirap gamitin ng joystick. hindi siya user friendly. kasabay nito ang.. *Nokia 7650 - patago ko itong binili sa palengke ng pasig sa halagang 1,500. hindi ito alam ng nanay ko. kaya nung nasa bahay na ako patago akong magtext gamit ito. pero eventually nabuking din ako. nga pala, spare unit ko ito. pang smart/sun. existing pa din ito up to now. medyo sira sira na nga lang siya. *2007 - Nokia 6070 - libreng phone ito nung nagpa line ako sa globe. kabado pa si mommy nun binigay niya ito sa akin. ito yung 2nd phone na sa kamay ko unang napunta. pansin niyo ba? ngayon nasa tatay ko na ito kasi gusto daw niya nito. *2007 - kinuha ulit ni ate ang k700i. sa ngayon gusto na yata niya ibalik sa akin dahil sa pasaway na joystick. *July 2007 - Motorola L7i - yung pambili nito galing sa retirement pay ni mommy at tita ko. cool din ito kasi manipis siya. unang phone ko ito na may memory card. kaya lang nung leadership camp sa caliraya nahulog siya sa bowl. kaya nagloloko na. *sa ngayon pinagiipunan ko na ang susunod na cellphone na bibilhin ko. bago pa tuluyang masira ang current phone ko. bow!
                            

June 26, 2008

Nasa Huli ang Pag-iisip ng Title.

Nasa huli ang pag iisip ng title.

Note:  This was written on June 12, my last night at Lucena, Quezon.  Ngayon ko lang naipost sa dami ng shooting ko.  Shooting gallery. Ngek corny….

****

Sa ngayon, wala pa akong maisip na pwedeng i-title sa post na ito.

Last day ko na (hopefully!) ngayon dito sa Quezon.  Matapos ang tatlong linggong pagkakawalay sa aking pamillya at mga kaibigan sa Maynila, sa wakas, makakabalik na ako kung saan ako lumaki at nagkaisip… sa PASIG CITY (sabay taas ang kamay. Attire:  long sleeved blouse. Kaya safe.)!!!

Ito ang unang pagkakataon na ma-assign ako out of town sa trabaho.  Matapos ang unang pitong buwan ko sa USA and Co., nakalabas din ako ng kalakhang Maynila.  Noon, lagi na lang ako sa Quezon City nadedestino.  Ngayon, sa Quezon province na. Sosyal.

Noong sinabihan ako ng boss ko na kasama ako sa Enverga team, hindi ako nag dalawang isip na sumama.  Isang malaking unibersidad sa Region 4 ang magiging client namin.  Isang Main Campus sa Lucena, at apat na campus sa mga bayan ng Catanauan, San Antonio, Sampaloc at Candelaria.  Ang buong pangalan ng school:  Manuel S. Enverga University Foundation, Inc.  Itinatag ang university na ito around 1950s, at isa sa mga astiging school sa region 4 (sabi nila).  Lima kaming pinadala upang i-audit ang accounts nila para makapag-provide ng reasonable assurance na ang kanilang financial statements ay materially free from misstatements (know-all accent. Sana!).  Nung nag impake ako, isang dambuhalang bag ang dala ko.  Ang mga laman:  isang pares ng rubber shoes, isang pares ng leather shoes, isang pares ng sandals, isang pares ng bakya, at mga damit na kasya sa tatlong linggo.  Kaya nung pagdating ko ng terminal at nakita ko ang bag ng mga kasama ko, gusto ko nang umuwi at bawasan ang mga damit ko.  Pero siyempre hindi ko naman gagawin yun.

Super excited ako nang nasa biyahe ako.  Madami akong expectations at pangamba at the same time.  Dahil isang bagito sa field of audit, may reservations ako sa sarili ko na baka hindi ko magawa nang tama ang ipapagawa sa akin; na baka mapahiya ako sa kliyente dahil baka hindi ko masagot ang mga tanong niya; et cetera, et cetera.  Ngunit pansamantalang hindi ko naisip ang mga yun nang magsimula na ang biyahe ko. Masaya. Madaming puno at magagandang tanawin. Hindi kagaya sa Maynila na puro usok, building, at mga mangongotong ang makikita mo.

****

Pagtapak namin sa terminal, pagkain ang sumalubong sa amin.  That’s more like it! Yan ang nasabi ko.  Kainan galore na ito!  At dito nagsimula ang tatlong linggong sunod sunod na 5 times a day na pagkain nang libre.  Para sa akin, blessing na ito, kasi madaming tao ang nagugutom at naghahagilap ng makakain at ipambibili ng makakain.

Kung iisa-isahin ko ang mga pangyayari sa bawat araw ng paglagi ko sa Quezon, baka bigla niyo itigil ang pagbasa ng blogpost na ito at pumunta na lang sa www.KKBmovement.org (hanep sa segue!).  Kaya isasummarize ko na lang.  Ang ginawa namin nung unang linggo ay nakipiyesta at kumain ng sangkatutak na cha misua (chami for short—ang specialty ng Lucena). Naki-usiyoso pa kami sa kabi-kabilang parada ng mga artista (e.g., Kapitan Boom, Alessandra de Rossi, Ronnie Rickets, Mariz, at si Dinky Doo).  Special participation pa si Bayani Fernando na sa hindi malamang kadahilanan ay naandon kasama ng MMDA bandang musiko.  Hmmmmmmmm!

Nung ikalawang linggo na—seryosong trabaho na mga tsong.  Naiipon na nga yung pagkain sa lamesa namin sa dahilang hindi na namin ito makain sa sobrang dami ng gagawin.  Pero pagsapit ng gabi, inuupakan na namin yan.  Ito rin yung panahong nagsesenti na ako—yun tipong tinatawagan ko na ang pamilya ko kasi wala lang, kasi namimiss ko na sila.  Yun nagsisimba at kumakain ako mag isa pag linggo kasi hindi ko sila kasama.  Haaaaay.  In other words, na home sick ako.  Pinag-iisipan ko tuloy kung itutuloy ko pa ang pagpunta ng Australia balang araw.

Ikatlong linggo na.  Gusto ko na talaga umuwi kaya tinapos na namin ang dapat tapusin.  Sa wakas, June 13 ng hapon, natapos na namin ang trabaho (kung maituturing ngang tapos.. pag hindi kami naboljak eh di tapos na!)!  nag-impake agad kami at namili ng pasalubong (uraro, pastillas, at uraro pa, pati longganisang lucban).  Nagpunta na kami ng terminal at kumain ng huling hapunan.. Doon mismo sa una naming kinainan pagbaba ng bus galling Maynila—sa Chowking.  At sa di inaasahang pagkakataon ay nakita kong kumakain doon ang kabarkada ko nung college na look alike ni Fido Dido. Hehehe. Sana lang hindi niya mabasa to kasi aawayin ako nun.

Alas otso na ng gabi nang umalis ang bus pabalik ng Manila.  Super excited na naman ako.  Yung pakiramdam ko nung bumibiyahe ako papuntang Quezon, yun uli ang pakiramdam ko nuung pauwi na ako.  Kasi gusto ko nang Makita ang family ko.  Super miss ko na sila. Ang dighay ni daddy.  Ang pagiging cool ni mommy.  Ang pang aasar (once in a blue moon lang ito hehehe) ni ate at ang paglalambing ni karmi.

Alas onse pasado nang gabi nang makarating ako sa kamias terminal. Natuwa ako kasi buong pamilya ko ang sumundo sa akin. Iisa lang ang ibig sabihin noon—namiss nila ang pag-iingay ko sa bahay at ang pangungulit ko sa kanila.  Narinig ko din naman ito mula sa kanila.

****

Marami akong narealize nung tatlong linggo akong nahiwalay sa mga family and friends ko sa manila.  Yung normal na narerealize ng mga taong nawawalay sa mga mahal nila sa buhay.  Oo nga, tatlong linggo lang naman ako nawala, pero ang dami kong namiss.  Paano pa kaya kung wala na talaga sa piling mo yung taong malapit sa iyo---malungkot hindi ba?  Kaya naman ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa mga taong naging bahagi ng buhay ko (thank you speech? Valedictory address ito!). 

****

Sa mga nag-abang sa blog post ko, if any, eto na po. Paumanhin sa delay. You know naman me, the sched is super hectic.

Teka. iisip ako ng title ng blog post na ito. Wait lang ha.

April 18, 2008

isang nakaka aliw na biyaheng papuntang KKB Youth Center.

Matapos ang isang makapag bagbag damdaming (kahit pala sa pagtatype nakakabulol ang salitang ito), madugo, at puyatang audit (tax) season, naranasan ko uli na makauwi nang maaga. mga 7pm. sa sitwasyong ito, for the first time after several months, naabutan ko pang bukas ang megamall.

miyerkules noon. naisip ko na umattend sa midweek service sa KKB Youth Center, located at Jaridilla Bldg., Gastambide st., Sampaloc, Manila.  service every Wednesday, 7pm. May Saturday service din for young pro's and high school students. for more info visit www.kkbmovement.org.

sa pagbabalik...

yun nga. naisipan kong magbalik loob ulit. after several months din kasi, hindi ako nakaattend.  bukod pa dito, matagal din akong hindi nakanood ng TV. nakatulog nang  maaga.  kumain sa oras. salamat na lang dahil mahal ko ang trabaho ko kaya ok lang din sa akin. pero ang hindi ko pag attend ng midweek, hindi ok yun.

lumabas ako ng opisina ng 7pm (dapat 6:30, pero dahil late ako, kailangan ko mag offset).  naglakad ako papuntang megamall, ngunit punuan lahat ng FX papuntang quiapo. sinubukan ko maglakad papuntang lourdes school.  mga 10minute walk. sinuong ko ang lahat ng usok, sinalubong ko ang lahat ng motor at nag beating the red light ako sa pagtawid sa kalsada upang makarating lang sa aking destinasyon.  matapos nito, naghintay ako ng mahigit 20 minutes ng fx. wala pa din. late na ako! pano na yan?

ginawa ko, naglakad ako papuntang san antonio (kung galing kang pasig, dadaan ka muna dito bago ka makarating ng lourdes school). in other words, sinalubong ko uli ang mga sasakyang papuntang quiapo.

hindi ko ininda ang gutom at bigat ng dala kong gamit. ewan ko ba. pag nagutom kasi ako pag may nakita akong pagkain sa daan na binebenta, mapa fishball, kwek kwek o isaw, pinapatos ko (oops. wag niyo ko isusumbong sa nanay ko ha. magagalit kasi yun pag nalaman niyang kumakain ako niyan). pero nung oras na iyon, hindi ko na naisip na kumain kasi late na ako.

sa wakas, after 5 minutes na paglalakad may nakita na akong FX. sa gitna ako umupo. ayos. naisahan ko yung mga nag aabang sa lourdes. nyahahaha!!!

umabot na ng lourdes school yung sinakyan kong FX. at ang nangyari? sa kadahilanang hindi pa puno ang siniakyan ko, tumigil ito sa lourdes. yung mga kasabayan kong naghihintay kani-kanina lang... nakasakay sila sa sinakyan ko na sinakyan ko pa sa san antonio! nagets niyo ba?

ganito lang yan. sana hindi na lang ako naglakad.

napuno ang fx.  badtrip kasi hindi pantay yung upuan ko.

pero medyo ayos lang. kasi hindi naman masyadong matraffic.

minsan talaga, hindi maiiwasang magsakripisyo o medyo maghirap para makuha mo ang gusto mo. para makarating ka sa  gusto mong destinasyon.

ayun. naikwento ko lang. as of this typing, andito pa ako sa opis. mamaya bibiyahe na kami papuntang puerto galera.

yehey.

give me a break. please.

April 03, 2008

blogpost birthday special edition (palakpakan!!!)

*******

april 1.

ilang oras na lang nito, april 2 na.

di ba may point naman ako?

kakatapos ko lang mag overtime nito sa isang kliyente sa quezon city.

sinundo ako ng daddy ko at dumiretso kami sa church... ngunit bago yon, dumaan kami sa mcdo sa ortigas. gutom na kasi ako. bumili ako ng french fries na large. eight o cloch. at big mac para sa daddy ko. papunta kami ng church habang ngumangata ako ng fries. masarap.

kakatapos lang ng prayer meeting nun dumating kami ng church. nagsasalita si pastor boyet sa harap. birthday din kasi ni pastor danny. after the word, with pastor danny and jefferson, pinatayo kami sa harap. pinagpray kami. ako ang una.

"Lord, use this lady as your mouthpiece. Make her bold enough to share Your gospel."

i started to speak in different language. i cried. i thanked God for His undying love and grace.

kailangan ko na talagang tapusin ang JIL 12 training ko. please.

*******

nasa sasakyan na kami.

attendance:

mommy.

daddy.

ate.

bf ni ate (siya ang driver).

karmi

tita
ako

mga leaders ng JIL Pasig.

papunta kaming eastwood.

*******

Nasa eastwood na kami.

dun kami pumunta sa isang kainan na nagooffer ng eat all you can na breakfast from 12mn - 10am.

pero 11:45pm pa lang.

badtrip.

*******

ilang sandali pa, 12mn na.

april 2.

23 na ako.

nagpunta na kami sa kainang yun. medyo isa kami sa mga unang pumunta dahil saktong alas dose talaga kami pumasok.

table for 18 ang kinuha namin, kasi 18 naman kami.

ilang minuto ang lumipas, madami nang tao.

tsk, kalat na pala sa kalakhang maynila ang balita na mura ang eat all you can dun.

ang kinain ko lang: munting servings ng chinese rice, tocino, longanisa, hotdog, scrambled eggs, pansit malabon, at lumpiang shanghai.

wala kasi akong ganang kumain. dala na siguro ng pagod at antok.

ngunit mas pinili kong magpakasaya kasi otherwise hindi na ako pwede sabihan ng HAPPY BIRTHDAY.

matapos ang kodakan, tawanan at joke time, umuwi na kami.

alas dos na ng umaga. alas otso y media ang pasok ko.

at alas tres na ako natulog.

*******

unang bumati sa akin si pareng MG. ang lalaking nung una, tinatarayan ako. kainis. pero after 100 years narealize ko hindi naman pa siya masungit.

*******

alas sais ng umaga ako nagising. isa itong himala. marahil sa kadahilanang hindi ako nakatulog sa excitement, o dahil natatakot akong hindi magising ng maaga para sa trabaho. malabo diba? nalabuan kasi ako eh.

buti na lang walang pasok si daddy. sa bulacan sha nagwowork. walang pasok sa bulacan pag april 2 dahil birthday ng mentor kong si FRANSISCO BALAGTAS. sosyal diba? kaya naman hinatid ako ni daddy papuntang araneta avenue, sa lungsod quezon. tipid na naman sa pamasahe. yehey!

"karen, anong araw ngayon?

wednesday po.

"diba tuesday ngayon?"

miyerkules nga po....

"hala, coding tong sasakyan natin..."

yari!

kaya ang nangyari, nag drive thru muna kami sa mcdo at bumili ng agahan (part2) at kape para magising ako sa pagkaka antok. matapos nito, hinatid ako sa LRT station ng anonas, tapos iniwanan na ko ng daddy ko. ayos lang naman, naintindihan ko.

nag LRT ako. ayos. tapos jeep. tapos jeep uli.

nun nasa jeep ako, katapat kong nakaupo ang isang mag ina. kalong ng nanay ang anak niya, na masayang kumakain ng puto. ang cute niyang kumain. naalala ko tuloy nung kabataan ko. toinks! pero seriously natutuwa akong panoorin siya (habang nakatingin din sakin ang nanay nya, akala niya kasi aagawin ko yung kinakain ng anak niya), kasi parang kuntento na siya sa puto. makakain lang siya nun, masaya na siya. solb. ang babaw dba? pero tignan mo, pag tumanda yan, paastig nang paastig ang gugustuhin niyan upang makuntento. gusto na nya siguro yung harina na yung nilalapang niya. adik eh noh. seriously uli, ganun talaga siguro pag tumatanda. lumalalim ang kagustuhan sa buhay. nagiging kumplikado ang buhay. pero siguro uli, depende sa tao kung paano niya imamanage ang kumplikasyon na iyon. habang iniisip ko ito, hindi ko alam na lagpas na ako sa pupuntahan ko. badtrip.

inulan ako ng mga pagbati mula sa ibat ibang sektor ng pamayanan, sa ibat ibang paraan. ako'y nagalak.

ngunit kasabay nito ang pagtrabaho ko. hindi naman kasi holiday.

kinahapuna, dumating ang incharge ko at ang isang kasamahang staff. ang saya saya ko dahil nakita ko sila. matagal na kasi akong nasa field at palagi akong walang kasama, kaya wala akong kausap palagi. nagkwentuhan kami tungkol sa iba ibang aspeto ng buhay habang binabalanse ko ang cash flow statement na 3 days ko nang hindi mabalanse.

matapos nito, nagtext ang nanay ko. magkita daw kami sa greenhills.

*******

pagdating ko ng greenhills, nagutom ako. wala pa sila (pamilya ko uli). may part 2 pa pala ng celebration ko. kaya nagpunta ako ng kfc.

hot shots. fries. strawberry fizz.

at umorder ako ng paborito kong BROWNIES.

pagkaupo ko, inupakan ko na agad ang unang dalawang nabanggit kong pagkain. nung akmang bubuksan ko na ang brownies (na sobrang tagal ko nang inasam asam na kainin), may isang matandang babaeng nakapasok sa KFC at nanghihingi ng limos.

eh ako yung taong hindi talaga nagbibigay ng limos. kasi karamihan sa kanila sindikato lang naman. (ito po ay opinyon ko lang ha). pero mukhang gutom na gutom na yung babae. tinignan ko muna ang hawak kong brownies, napabuntong hininga, at sinabi kong, "ate, oh, eto na lang po ibibigay ko sa inyo". nagpasalamat siya, at natuwa ako kahit siya yung kumarir ng brownies ko.

matapos ng moment na yun, pumunta na ako sa promenade. nasa time zone ang mga magulang ko at kasalukuyang nagbabasketball shooutout. nakisali ako. natuwa kami at napagod sa ginawa namin. matapos nun, kumain kami sa isang chinese restaurant. ayaw ni mommy dun pero wala siyang nagawa. may isang pamilya din na kumakain dun. birthday ng isang batang lalaki. 4 years old na siya. may cake sha sa lamesa nila. nainsecure ako. akala ko libre ng restaurant yun, kaya nung nagtanong kami, bring your own cake policy pala ang sistema nila. sana pala dinala ko yung cake ko sa bahay. mas masarap yun sa cake nung bata, sigurado yun. bleh!

pagkatapos nun pumasyal pasyal kami. nakita ko sa personal si pilita corales. ang puti niya. at ang ganda. pero kahit banat ang mukha niya, halata pa din na matanda na talaga siya. ganun pala talaga siya kumanta. lumiliyad. ang cute.

pagkatapos nun umuwi na kami.

*******

pagkatpos ng mahabang araw na iyon, isa lang ang nasambit ko kay Lord bago ako nakatulog.

SALAMAT. sa lahat lahat. napakabuti talaga niya sa akin sa ika-22 na taon na lumipas. kahit may mga kinuha Siya sa akin, may mas dakilang bagay Siyang ginawa at binigay para sa akin. ang bait talaga ni Lord.

*******

huling bumati sa akin sa mismong araw ng birthday ko. si tukayo. salamat! =)

at sa lahat ng nakaalala sa akin, maraming salamat sa inyo.

sana hindi ka nagsisi sa pagbasa mo nito.

pagpalain ka ni Yahweh.

March 18, 2008

things to ponder in Baguio.

I moved to my new home!

please click this link to read the entire blog post.

http://akoposikarensantiago.multiply.com/journal/item/2/things_to_ponder_in_Baguio...

God bless!

February 14, 2008

ang valentine's day sa point of view ng isang Single (o It's Complicated).

February 14, 2008.

I woke up past eight in the morning.

“Kamote. Late na naman ako!”, sabi ko sa sarili ko. Napagod kasi ako last night pag update ng antivirus ng computer ko. I went to sleep at almost 2 a.m.

I did my usual routine. Took a bath, prepared myself for work.

This is my 3rd field work day at the Rockwell. Dumaan muna ako sa office to get the working papers and some supplies needed for the audit. I got lot of stuff to carry, that I can’t afford to walk far, sumakay ng jeep, sumakay ng bus, sumakay ng jeep ulit, at maglakad nang malayo. Kaya nag taxi ako. Badtrip. Kasi kung saan saan ako dinaan. Ang mahal tuloy ng binayaran ko. Buti na lang may sweldo na ko. Hehehe!

Panay ang tunog ng cellphone ko. Puro valentine greetings. Hay! Di ko nirereplyan. Like the usual naman. Tinatamad na ko kasi magtext ngayon.

It’s just like an ordinary day for me. Trabaho. Kain. Tapos trabaho ulit. Medyo kakaiba lang ngayon kasi dun sa field ko maaga nagsiuwian ang mga tao. May mga date daw kasi. Tsaka nun lunch time, nasa mall ang karamihan. Bibili dawn g bulaklak para sa mga misis nila. Ang sweet.

Habang ginagawa ko ang post na ito, nakaupo ako sa dulo ng isang long bench. Sa mall. Dito sa Rockwell. Habang ngumangata ng chocolate cookie. At habang pinagmamasdan din ang mga tao, pawang mga masasaya sila. Ang mga tinutukoy ko na sila—mga magsing irog. Magsyota. Magboypren. Magkasintahan.

Kahit noon pa man, naiisip ko na “bakit ba may Valentine’s day?”. Sabi ng isang dj sa radio, nababaduyan siya sa Valentine’s  day. Sobrang agree ako sa kanya. Siguro, dahil hassle, madaming tao sa mga romantic places gaya ng palengke. Joke lang. I mean, sa mga mall, lahat ng nakakasalubong ko (gaya ngayon), mga couple. Iba ibang uri. May isang pares na mas matangkad ang babae sa lalaki, may ibang ok lang, may ibang emo, may ibang foreigner. Basta. Iba iba. Pero isa lang ang pareho sa kanilang lahat. Lahat sila Masaya. At yung babae may hawak na roses/chocolates/balloons/teddy bear.

At ang mga radio nga, puro senti at love songs ang tugtog. Waaaah! Ewan ko ba, pero nangingiti na lang ako kanina sa fx pag naririnig ko yung mga kanta. Akmang akma talaga para sa araw na ito.

Sabi sakin ng mga empleyado na kilala ko dun sa field, Karen, wala ka bang date ngayon? Nginitian ko na lang sila. A smile, means, wala! Hehehe! Sabi ko busy kasi ako. Sa mga mata nila nababasa ko ang mga katagang.. “WUSHU! EXCUSES! NAGPAPALUSOT! WALA KA LANG KA DATE EH!”. Sa naexperience ko kasi ngayon, pag wala kang date, outcast ka. Chakka ka. Lahat na. wala naman ako nakikitang masama kung wala akong date di ba? Busy nga eh. Bakit ba kailangan ko pang magpaliwanag sa kanila?

Ang masasabi ko lang, para sa mga In a Relationship, o Married status… enjoy this day! Marahil ginawa talaga ang araw na ito para sa inyo.  Sa mga It’s Complicated naman, make up your mind! Ano ba talaga? Hehehe! Masyadong kumplikado ba… sana maayos na yan. At sa mga SINGLE na kagaya ko..MABUHAY TAYONG LAHAT! Mag overtime tayo para dagdag sweldo. Hehehe! Joke lang. siguro lang, hindi pa ngayon ang tamang oras para ibahin natin ang status natin sa friendster. Ibahin ng In a Relationship, o Married (kahit mag boyfriend pa lang). Huwag tayong malungkot kasi hindi pa talaga itinakda na malaman o mameet natin kung sino ang better half natin. Ibig sabihin lang siguro nito, hindi pa tayo handa para sa mga ganon. Mga bata pa tayo. Joke lang ulit! Siguro (ulit?), hindi pa tayo handa emotionally o spiritually para sa relasyon na ganyan. Basta, i-enjoy lang natin kung anong meron tayo ngayon—pagkain, trabaho, pag aaral, mga kaibigan, at ang aso ng kapitbahay niyo.

Mag gagabi na as of this post. Aalis na ako. May kikitain kasi ako eh.

Ingat!

January 03, 2008

50 things i've learned in 2007.

Nitong nagdaang 2007, na-realize ko na…

  1. Accountancy, at hindi Chemical Engineering and talagang course na para sa akin.
  2. Ang shirt size ko ay LARGE (instead of Medium) at ang blazer size ko ay medium (instead of small).
  3. Size 11, at hindi size 10 ang shoe size ko. Waaaah!
  4. Hindi na ako pwedeng bumili ng sapatos/sandals sa tiangge dahil nasisira ko agad after few uses, at dahil hanggang size 9 lang ang mga binebentang sapatos sa tiangge. Huhuhu!
  5. May mga tao talagang antipatiko(a) at walang konsiderasyon.
  6. Maganda pala talaga sa personal si Iya Villania.
  7. Hindi flawless sa personal si Marc Nelson. J
  8. Nakakasuya din pala pag araw-araw kang kumakain sa Jollibee, 3 times a day.
  9. Maarte pala talaga si Mariel Rodriguez.
  10. Masaya pala mamuhay mag-isa. Nakakalungkkot nga lang (gets?).
  11. Nakakadandruff sa akin ang SUnsilk/Creamsilk. Sa buhok ko lang ha. Ewan ko sa inyo.
  12. Hiyang ako sa Clear dahil gwapo si Rain!
  13. Nakakasawa din pala magtext at magpost sa Friendster bulletin board.
  14. Ang hirap palang kumita ng pera.  Mas masarap pa talaga ang mag-aral.
  15. Kung gugustuhin mo talagang pumayat, gagawin mo ang lahat.
  16. Mabango ang Lewis and Pearl Dew Drops cologne. Try niyo.
  17. Masakit din pala sa pakiramdam pag sinasabihan kang MATABAAAA!
  18. Ayaw talaga sa akin ng business law.
  19. Pag malutong ang perang papel, hindi ito agad ginagastos.
  20. Hindi pala madali maghanap ng trabaho.
  21. May libreng bus ride ang UNTV ch37 sa ayala. Hehehe.
  22. Ayaw ko na talagang magtrabaho sa

    Makati

    .
  23. May hidden talent pala ako sa photography.
  24. Totoo palang may basaan pag piyesta, bukod sa

    San Juan

    .
  25. Extra challenge ang bawat araw na pagsakay sa MRT South Bound sa umaga at North Bound naman sa gabi; tuwing rush hour.
  26. Mag Starbucks ka lang pag marami kang pera.
  27. Magbaon ng lunch para makatipid.
  28. Sumabay sa tatay pag uwi para makatipid.
  29. Magkuripot para makatipid.
  30. Magtipid para makatipid.
  31. Corny para sa akin ang game show na WHAMMY. Messy din.
  32. Ang jologs sumayaw ni Edu Manzano.
  33. Wala talagang kadala-dala ang mga Pinoy.
  34. Pwede ka pa din pala magkamali sa pagkanta ng Lupang Hinirang.
  35. Nakakaaliw ang TV show na Yakitate!

    Japan

    .
  36. Weird palang sabihin nang pasigaw ang MARKET! MARKET!
  37. Masakit palang mawalan ng taong napakalapit sa puso ko. Halimbawa: ninong at lola.
  38. Malayo pala talaga ang NOvaliches.
  39. Paborito ko nang mall ang Trinoma, bukod sa Gateway.
  40. Huwag basta basta ipapa-laundry ang paborito mong damit.
  41. Marami talagang CPAs na magaganda (well!).
  42. Magastos pala ang post-paid na cellphone line.
  43. Nakaka-addict pala ang Sudoku.
  44. Mas cool gamitin ang mechanical pencil kaysa Mongol.
  45. The best refreshment and Zagu Black Forest.
  46. Ang tangkad kop ala (last year ko pa ito napagtanto).
  47. Walang signal ang Sun pag gabi.
  48. Mahirap mag-UNLI pag Pasko at Bagong Taon.
  49. Life is too short.
  50. Ang sarap ng pakiramdam pag alam mong kabilang ka sa BREAKTHROUGH GENERATION. J

**Abangan ang aking susunod na listahan sa 2009.

A blessed 2008 to all! J

December 30, 2007

Isang pagbabalik tanaw: Mga Significant Events ng Buhay ko ngayong 2007

Grabe.

Yan ang masasabi kong isang salita kung kasali man ako sa isang beauty contest (sana!) at tinanong ako kung anong masasabi ko sa mga nangyari sa akin ngayong 2007.

Maraming mga kahindik hindik, kagila-gilalas at hindi kapani-paniwalang mga kaganapan ang siyang naganap sa buhay ko ngayon taong ito.

Masasabi ko din na tunay ngang napakabilis ng takbo ng panahon. Parang kahapon lang.. isa akong batang paslit na may onse pa sa ilalim ng ilong na patakbo takbo sa playground ng eskwelahan naming habang may klase (oops nadulas!)… tapos ngayon.. ngayon.. ngayon… akalain mo yun…

Samahan niyo ako.  Parang awa niyo na.  habang aking iniisa-isa ang mga nangyari sa akin ngayong 2007.

  • January – ito ang buwan na kung saan nabuhusan ako ng maduming tubig kanal habang napadaan ako sa piyesta dito sa baranggay namin. Badtrip. For more info, read my recent blog post.
  • February – nakilala ko ang isang lalaking magulong mag-isip. Hehehe. Masaya na sana, kaya lang… yun na. J
  • March – narealize ko sa puntong ito na gagradweyt na ko! Yehey! Kaya lang may mga humarang sa adhikain kong ito.. muntik nang walang pag-graduate-in sa batch naming kasi “kulang pa daw kami sa kaalaman”. Cmon! Pwede ba un .. eh mga CUTE kami… duh?!
  • April – I turned 22. tanda ko na. pero CUTE pa din (kelangan talaga lagi ipasok ang statement na yun?).  sa buwan ding ito, I cut my hair from waistline to my shoulders. Nagpa-grad pic din ako sa puntong ito. Tinodo ko na dahil pangit ang grad pick o nun prep, elementary at hayskul. Di na ko papayag na ganun pa din hanggang sa huling sandali. Nagsimula din sa buwan na ito ang huling summer class ko sa PSBA. At itong buwang din na to ako naka graduate. Dahil CUTE talaga ako (naiirita ka na ba? Gusto ko lang mang asar.).
  • May – nagsimula akong maging independent. I moved from pasigto manila to spend my next 5 months alone. Kasi nag-dorm na ako habang nagrereview for my board exam. Mahirap siya, lalo na pag badtrip yung naglalaundry.. kasi ginawang navy blue yung white portion ng blouse kong red. Nagmukha tuloy akong walking bandila. Pero ayos lang. for the sake of my country. Natuto rin ako kumain sa tabi tabi. Nung una kasi puro Jollibee at mcdo.. pero napilitan ako kumain sa turo turo nun nauubos na ang allowance ko. Hehehe. Basta. Madami ako natutunan bukod sa mga shortcuts na pwedeng gamitin sa board exam.
  • June – nagsimula akong maka attend uli ng midweek sa KKB Youth Center. Dito nagsimulang marevive ang spiritual life ko. Eto rin yung point na nagsimula kaming maging close ni tukayo. Hehehe. At this point hindi pa din ako nakakapag adjust sa independent life ko. Nagdadrama pa din ako gabi gabi kasi natatakot ako matulog mag isa.
  • July – nakapag adjust na din ako. Salamat sa nabili kong MP4 player sa recto. May games kasi. Kaya pag nalulungkot ako naglalaro na lang ako ng minesweeper (ngayon ko lang siya naintindihan kung paano laruin). Pero siyempre pag tapos na ang review or pag di ako makatulog, tsaka ko ginagawa yun. Eto rin yata ang buwan na kung saan lagging beef steak ng ERL ang ulam ko for lunch. Masarap kasi.  Umuwi na din sa heaven nito ang paborito kong ninong. At ang lola ko. Kaya medyo emotionally battered ako ng mga oras na ito.
  • August – nagawa ko sa buwan na ito ang isa sa pinaka kaadikang akto ng buhay ko –nagpagupit ako ng buhok. Shoulder length to boy cut. Adik noh? Alam ko. Kasi dapat magpapatrim lang ako nun. Eh nakita ko yung picture ng babae sa magazine na short ang buhok.. nagandahan ako.. sabi ko sa bading ganun na lang ang buhok ko.. naiyak nga siya eh.. baka daw nakatira lang daw ako ng katol.. sigurado daw ba ako? Sabi ko basta gawin na lang niya. Bahala na si Lord. Sa awa at habag ng Diyos naappreciate naman ng mga tao ang aking bagong anyo. Hehehe! Ang gwapo ko daw. Toinks. Bagsak ako sa Law preboard exam.
  • September – nagsimula akong maging seryosong seryoso sa review. Dito nagsimula din na isipin ko kung gusto ko nga ba talaga mag board exam. Ngunit dahil sa nakapag bayad na ko sa PRC ng exam fee, wala na akong choice. Sa ayaw ko’t sa ayaw, mag eexam ako. Bagsak pa din ako sa law preboard exam. At sa practical accounting 1. yari.
  • October – LET YOUR KINGDOM COME! Umalis ako agad sa law pre-week lecture ko upang umattend sa anniv ng JIL sa luneta. Board exam ko na din nito. Grabe. Nun una hindi na ako kinabahan kasi inisip ko na lang na walang itutulong iyon sa akin. Pero nun pagkatapos ng huling subject ng board exam, napaiyak ako sa hindi malamang kadahilanan.  Kinabukasan, nalaman ko na lang na NAKAPASA AKO! Salamat talaga sa Diyos!  Eto din ang buwan na nagsimula ako magtrabaho sa ortigas. At siyempre nakabalik na pala ako sa pasig, kapiling ang aking beloved family =)
  • November – isa na akong full-fledged/pledged CPA. Yehey. Ang sarap ng pakiramdam.  Dito ko nga lang naranasan kung pano pumila nang malupit sa PRC. Grabe. Wala akong masabi talaga.
  • December – thanksgiving month! Naka attend ako ng KKB Summit—BREAKTHROUGH GENERATION! Isang akto ng pasasalamat sa lahat ng pagpapala, pagsubok at kadakilaan ng Diyos sa buhay ko.

At ngayong paparating na ang 2008, alam kong marami pang dadating na pagsubok, hirap at pagod sa buhay ko. Ngunit panalangin ko sa Diyos na wag akong bigyan ng mga ito, kundi patatagin Niya ako para kayanin ang lahat ng ito.

Panalangin ko din ito para sa iyo hindi lang ngayong 2008 kundi sa mga taon pang dadating.

HAPPY NEW YEAR!

November 10, 2007

aling karen's suggestions in promoting the KKB International Youth Summit.

*Gawing primary picture and poster pic ng summit. i copy o grab ang primary picture ko at gawin mo ding primary pic mo... tiisin munang wag iprimary picture ang cute na cute mong solo studio picture o litrato ng sarili mo na ikaw mismo ang kumuha pag nakahiga ka o kung wala kang magawa (gets?)

*panoorin muna ang Summit plug na naka embed din sa profile ko (yung may picture na GENERATION yun ang video na yun). pagkatapos, i copy past ang embed code nito at ilagay sa About Me/Who I Want To Meet Section ng profile o website mo.

*gawin ding AVATAR ang poster pic sa mga instant messenger (e.g., Yahoo, MSN, etc). maganda siyang tignan promise!

*OPLAN BULLETIN KADA ARAW PARA SA SUMMIT. kasabay ng mga sinasagutang surveys at paglalabas ng saloobin sa bulletin... why not magpost din ng announcement ng summit at ang mga detalye nito? isang bulletin lang naman.. isakripisyo muna ang isang survey ha? :)

*BRIGADA SA TEXT. sample msg: Ei! WaZzup? Nvyt KIta Sa KKb YoUTh SUmMit sa Dec. 27-28 @ d ARENA, Sn.Juan. 150.00 lAng Ang Reg fi! txbaCK fOr MORe Info. mWAhugz! MUZtAh poH???? (note: nahirapan akong itype to ah! basta ipromote ang summit sa text. sulitin ang kaUNLIhan ok? yun na!)

*mag group message sa mga IM tungkol sa summit. ok na din ang youtube link ng summit plug. :)

*pag mag sspecial number ang KKB sa church niyo, huwag kalimutang mag flash ng poster pic sa LCD (kung meron man). kung wala man... i acetate na lang (pwede ba yun?). o kung wala nga talaga.. magsalita muna at ipromote ang summit bago kumanta, sumayaw, umarte o mag mime.

*bumisita lagi sa KKB FORUM. ang forum ng mga kyut, kul, at masayang mga KKB CYN sa balat ng cyber space. www.kkbmovement.org/forum/php (ang kkbmovement.org po ay under construction pa.). upang maging in the loop sa updates ng summit :D

*Promotion with a Personal Touch is astig din. personal na imbitahan ang mga kakilala at kaibigan sa summit. ok? diskartehan niyo na lang. The Lord is with you naman. basta pray muna. :)

*at kung kayang magsponsor ng mga delegado sa summit.. why not? (Sino magssponsor sa kin? taas ang kamay!) hehehe.

mag iisip pa ako ng mga strategy. kung may suggestions, PM niyo ko. para sa susunod na episode ilalagay natin. (note uli: the best suggestion will win a SURPRISE prize. libreng interview at exposure na ipapalabas sa TV namin.)

BREAKTHROUGH GENERATION!

October 30, 2007

Confessions of a Bagito in the Corporate World.

OCtober 30, 2007.
26F PSE Bldg., ORtigas
ilang minuto matapos mag coffee break.

First day ko ngayon sa opisina. hindi ako makapaniwalang may trabaho na ako. hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi ako kabilang sa mga UN- at UNDER- employed sa ngayon... o maiinis dahil walong araw lang matapos ilabas ng PRC ang CPA results, hindi ko man lamang nalasap ang pakiramdam ng makapag-pahinga.  Pagkatapos ng board exam, trabaho agad.  NA-excite lang ako siguro dahil ni OJT sa school ay hindi ko naranasan.  NA-pressure din marahil.. sa kadahilanang ako na lang sa pamilya ang hindi pa nakakaranas ng feeling ng sumusweldo.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.  Na-realize ko din na ganito pala ang feeling ng tumatanda. waaah! aminin ko man o hindi, kailangan na talagang mag grow up! tapos na talaga ang maliligayang araw ko sa kolehiyo (nakakamiss mag aral pramis!).  Nalagpasan ko na din ang isa sa pinaka kahindik hindik na pagsusulit ng PRC BOA, sa tulong ni God :). BAgong career ang naghihintay sa akin.  Panibagong mga tao ang makaksalamuha ko (so far sa office mababait naman ang mga tao, taliwas sa mga tsismis na ang mga tao sa audit firm ay masusungit.) Panibago ding mga pagsubok ang kakaharapin ko. Kapalit ng lahat ng ito ay ang mga sumusunod:  Starbucks/Seattle's BEst/NEscafe 3-in-1, mga gwapong guys in long sleeves and necktie na pakalat kalat sa tektite (joke!), at ang pinakaminimithi kong sweldo (hindi naman ako mukhang sweldo..experience talaga ang gusto ko..).  At higit sa lahat, ang bawat leksyon sa buhay na hindi pa naituro sa akin simula sa kinder hanggang sa college-- mga pointers na dapat isabuhay ng isang matinong CPA.

Ang dating KAREN SANTIAGO--iyakin, pikon, masungit at medyo pasaway--ay magiging pasensiyosa, mapagbigay pa lalo, matiyaga, at medyo pikon na lang =).  Sa pagtahak ko sa panibang landas ng buhay, bilang isang matured professional.. TODO NA TO! (audience: wehhh, pauso!)

O siya, back to work na ako.

September 22, 2007

ang mga gamit ng BULLETIN BOARD. base sa aking OBSERBASYON.

ika nga ng friendster...

"Use the Bulletin Board to post messages (such as questions, party invites, event information, romance issues, etc.) to all of your friends."

ngunit sa iba... may iba pang gamit ang bulletin board.

ating isa-isahin.

**Answer sheet ng mga mahihilig sa survey. hindi ko malaman kung paano nauso ang ganitong bagay. maraming katanungan ang pwedeng masagot dito. mula sa kung anong kulay ng buhok mo hanggang sa kung sinong pinaka ayaw mong barangay tanod sa inyo. everything na katanungan under the sun.. nandito!

**inbox ng bayan. kung hindi mo feel gamitin ang private messaging system ng friendster at may gusto kang ipadalang mensahe sa isang kaibigan sa iyong friendster list (e.g., to Mr. SO and So,... Msg: MALIGO KA NAMAN! HAHAHA!), at kung gusto mong mabasa din ng buong bayan ang mensaheng iyon... ilagay lang sa bulletin board at voila! alam na ng buong list mo na si Mr. SO and So ay hindi pala naliligo. tsk!

**boxing ring ng mga nagbabangayan at gustong magpalitan ng maaanghang na salita o yung mga nagpaparinigan. minsan masayang magbasa ng bulletin board pag may ganitong mensahe.. "HOy bruja huwag mong agawin ang boyfriend ko. ahas ka! akin lang siya. at ang iyo ay akin pa din!" tapos sa dulo may nakalagay pang "you know who you are." tapos kinabukasan (applicable kapag ang dalawang magkaaway ay parehong nasa list mo. if that's the case, the merrier! hehehe) may mababasa ka mula sa isa pang tao.. "hoy ka din! hindi ko inagaw ang boyfriend mo. ANG LAKAS MO KASING KUMAIN kaya iniwan ka nya.. lugi sha sa yo pag nagdedate kayo! buti pa ako baterya lang ang kinakain ko. yung pang calculator ha. mas mura yun noh! at hindi ako ahas. BULATE LANG AKO!" at sa dulo may karugtong pang "YOU KNOW WHO YOU ARE DIN." kung ganito ang scenario alam mo na kung sino ang magkaaway! at ang pede mo lang gawin ay makisali sa away o pagbatiin sila.

**domain ng lahat ng sumpa na pwede mong maisip...gaya ng "repost this after 3 seconds or you will become a makahiya!" sa totoo lang naaaliw ako sa mga ganitong post... wala pa naman akong nirepost na ganitong uri at sa awa ng Diyos ay wala pa namang nangyayari sa akin.

**personal public diary. sounds ironic dba? kaya nga diary kasi private.. pero pag gusto mong isambulat sa buong friendster world ang latest chismis tungkol sa yo, gaya ng "nagkasipon ang ibon ng kapatid ng kapitbahay niyo.." ilagay lang sa bulletin board! (note: guilty ako dito. hehehe! pero hindi naman lahat ng nangyayari sa kin pinopost ko noh! *explain mode*)

**wala na akong maisip. kung ano pa man ang mga gamit ng bulletin board sa iyo na hindi ko nabanggit dito... mahusay! hehehe.. ipagpatuloy mo lang yan. at bakit ko to naipost? wala lang! bakit ba...

God bless! :D

September 05, 2007

isang anekdota tungkol sa isang taong itatago natin sa pangalang...

7.10 ng umaga.

late na ako para sa law review class ko.

pero dahil hindi ako nag hapunan kahapon sobrang gutom ako.

kaysa naman pumasok ako ng gutom. malamang niyan hindi ko maabsorb ang mga pointers sa law. eh doon pa naman ako bagsak nun preboard examination. kaya kelangan seryosohin ang law.

isang beses na lang ako sa isang araw kung kumain ng kanin at ulam dahil sa: (1) mataba na ako at gusto kong maibalik ang mala-modelo kong pangangatawan (nyak!); at (2) nagtitipid ako dahil sa isang kadahilalang hindi ko maaaring isambulat dito. tsaka ko na lang ipapaliwanag.

napadaan ako sa mcdo. "hmmm. may libreng dyaryo pala dito sa mcdo. dito na lang ako kakain."

"hi mam magandang umaga... welcome to mcdonald's!" and masayang bungad sa akin ng crew na nasa counter.

dahil nagmamadali na nga ako, dumiretso na ako sa counter upang umorder. "isang longganisa meal at orange juice."

"70.00 po mam."

kaya dumukot ako ng isang bente at isang singkwenta sa aking wallet. 270 na lang ang allowance ko hanggang bukas. kaya habang binabayad ko iyon iniisip ko na hindi na ako kakain ng lunch at meryenda mamaya. kung kakain man ako ng hapunan yung budget meal na lang. sa 20.00 may kanin at ulam ka na...

habang iniisip ko ang mga ito ay binigyan ako ng kahera ng 130.00.

hala.

kamusta naman. may sukli pa! sabi ko sa sarili ko.

ang sampung segundong katahimikan at pag iisip kong iyon ay naging buong magdamag sa akin.

kung isosoli ko ang 170.00, sayang naman. eh di sana hindi na ako hihingi ng allowance hanggang linggo. at least nakagaan kay mom and dad. o kaya naman pwede kong ipambili ng hapunan mamaya.

kung hindi ko naman iyon isosoli, mapupuruhan naman ang kahera dahil magkakaroon ng discrepancy sa ibinigay ko at sa isinukli nya. kawawa naman siya kung hindi ko isosoli at sa kanya pababayaran ang nagkulang na pera.

sa sampung segundong iyon, ginawa ko ang idinidikta ng aking konsensya.

"ah, miss, 70.00 lang po ang ibinigay ko. wala na akong sukli."

"eh mam 200.00 po yung ibinigay niyo..."

mahaderang kahera to ah! napatawa ako sa isip ko lang. mas marunong pa sa akin.

"hindi miss, 70.00 lang ang binigay ko..."

tinignan niya uli ang cash register at yun, napagtanto niya na tama ang sinasabi ko.

nakita ko ang bakas ng tuwa sa kanya. marahil kasi pag nagkataon, makakaltas sa sweldo niya ang 170.00 na pilit pa nyang sinusukli sa akin.

"miss pahinging dalawang catsup..", ang sinabi ko pagkatapos.

pagkabigay niya sa akin ng aking hinihingi, nakangiti siyang nagpasalamat sa akin. nakadama ako ng tuwa sa sarili ko dahil alam kong ginawa ko ang tama. sa ganoong paraan may napasaya akong isang tao.

minsan sa buhay natin, may mga bagay tayong ginagawa na alam nating mali. pagdating sa mga ganitong simpleng sitwasyon masusubukan natin ang karakter natin. marahil walang nakakaalam sa mga ginagawa nating kabuktutan ngunit bukod sa sarili natin, may isa pang nakakaalam ng mga ito. at alam mo na kung sino yun.

note: ang bida sa istorya na to ay ayaw maglantad ng kanyang katauhan dail shy-type siya.

August 21, 2007

nagtataka lang.

kumusta naman.

ako po ay nagbabalik upang maglabas ng sentimyento ng buhay buhay.

***

nagtataka lang ako ha. bakit ganun. pag magkakape tayo, gusto natin yung mainit. tapos pag iinumin na, hinihipan natin para lumamig.

bakit pag rush hour, matraffic? (maganda ang rush hour 3 ha. yun lang naman gusto kong sabihin talaga.)

pag reviewee ka ba, magkano dapat ibayad mo sa jeep? 6.00 o 7.00?

balita ko daw kalbo na ang baywalk. bakit daw? hindi ko kasi alam dahil walang tv sa dorm.

nauubusan na ba ng ideya ang mga creative artists ngayon? kasi napansin ko lahat ng pwedeng i revive, ni rerevive. pati ang nananahimik na marimar pinatos pa.

bakit ganun? holiday man o hindi, mahirap bumiyahe? pag holiday, naghihintay mapuno ang jeep ng mga isang oras. yun tipong mas maganda na lang na maglakad ka mula legarda hanggang espanya.. mas makakarating ka agad sa sakayan ng fx papuntang sm north. tapos pag hindi naman holiday, sobrang hirap naman sumakay, puno na kasi lahat ng fx. tapos yung jeep papuntang espanya nagpupuno pa din ng mga isang oras.

mas maganda yata kung tayong mga pasaherong nag aabang ng sasakyan ang maghawak ng sarili nating signboard para titigilan na lang tau ng fx o jeep (e.g., pag papunta kang recto galing pasig, hawak ka ng signboard ng QUIAPO).

bakit may mga taong pinapara ang fx kahit wala naman itong signboard? (diba jade? peace!)

at bakit may mga PUVs na tumitigil sa harap ng isang taong nakatayo lang naman sa sidewalk? hindi naman sila pinapara.

bakit kapag kulay kahel (orange) na ang stoplight eh lalong bumibilis ang takbo ng mga sasakyan sa kalsada?

bakit kapag mainit eh sana malamig na lang at pag malamig naman eh sana mainit na lang?

bakit may mga taong mahilig sa picture (gaya ko sabi nila)? para ba may mailagay sa friendster?

bakit madaming adik sa satarbucks? yung tipong kahit naubos na ang frappe nila eh dadalin pa din ang walang lamang basong disposable at hahawakan lang ito sa MRT? para ba ito sa kaalaman ng buong sambayanang pilipino na... HOY NAG STARBUCKS AKO! ANO KA HA...

bakit mura ang cheesecake sa red ribbon?

bakit pag nasa coffee shop may mga taong mahilig mangarir at mag take out ng tissue, stirrer, creamer at sugar? wala ba silang stock sa bahay nila? wala siguro kaya ganun.

bakit laging bumabaha ng libreng donuts sa KRISPY KREME? grabe napakasaya naman ng una nilang customer sa greenhills. one year supply ng donut. napakahusay. siguro after one year mukha ng donut yung taong yun.

bakit masarap matulog pag umuulan?

bakit masyadong maraming kurakot na tao dito sa pilipinas?

sa ngayon yan ang mga gumugulo sa utak ko. may sense ba?

***

May 26, 2007

ang susunod na kabanata.

kailangang may matapos para may masimulan.

certified graduate na ako.
natapos din ang delubyong idinulot ng summer class ko.
akala ko di ko na masisilayan ang araw matapos ang may 26.
pero... eto ako ngayon. buhay pa. survivor uli. hanggang sa huling yugto ng accountacy course ko.
kung tutuusin, di ko lubos maisip na matatapos ko ang paglalakbay sa kolehiyo.
parang noon lang, pag nakahiga ako, iniisip ko kung ano kaya ang hitsura ko pagkatapos ko sa college..
at heto na ko ngayon. nagaganap na ang minsa'y panaginip ko lang.
matapos ang bawat luha dala ng lungkot.. ang laway na tumatalsik sa kakatawa.. ang pawis na bunga ng pagsisipag sa pag aaral.. ang bawat hibla ng kilay na nasunog dahil sa tyaga sa pagrereview.. at ang bawat bulsa at wallet nila mom and dad na nabutas dahil sa mga gastusin..
eto na! Graduate na ang lola niyo!
yehey.
pero siyempre, di pa dyan matatapos ang kaligayahan ko..
dahil isa pang matinding paglalakbay pa ang gagawin ko..
5 beses sa isang linggo ako magpapanik panaog sa 5th floor ng CMFFI building..
sa ReSA. Review School of Accountancy.
Dahil.. magrereview na ako para sa kinatatakutang CPA Licensure Exam!
pero ang totoo niyan, hindi ako dapat matakot sa exam na ito. ang exam na yan ang dapat matakot sa kin! tseh!
HIndi lang ito ang isa sa mga landas na tatahakin ko sa ngayon...
may isa pa.
at yun ay ang mamuhay mag isa sa bandang gastambide. malayo sa aking pamilya at sa aking pinakamamahal na kwartong asul.
pag naiisip ko na sa loob ng limang buwan ay mag isa lang akong kakain, matutulog sa isang room for rent, nalulungkot na ako.
hindi ko yata kaya yun. pero tignan natin. iuupdate ko kayo pag kinaya ko o hindi.
Kaya lang naman ako napilitang magboarding house kasi para hindi masayang ang oras na binibyahe ko araw araw ng pasig recto..
ang tatlong oras na binibyahe ko lagi ay pwedeng ilaan na lang sa pag aaral ko diba?
kaya yun ang nagtulak sa akin para ituloy ang pakikipagsapalaran ko sa maynila.
sa ngayon, nakaimpake na lahat ng gamit at libro ko.. pero hindi ako makatulog.
dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin sa pagsuong ko sa panibagong yugto ng buhay kong ito..
alam ko kasing may malaking idudulot na pagbabago ito sa akin bilang isang indibidwal.
at eto pa pala.. twice a week na lang pala ako makakapag internet! hayy! kaya mamimiss ko ang mga online friends ko..
sana kahit lagi na akong offline sa YM, friendster at KKB forum wag niyo kong kalimutang itext para hindi naman ako malungkot..
sa totoo lang, kanina habang papasok ako sa school, nasa fx ako, katext ko si mommy. sabi ko sa kanya na lilipat na ako bukas.
sabi niya mamimiss niya ko. ewan ko ba bigla akong napaluha nun. corny nuh. pero kasi mamimiss ko si mommy..
kahit madalas nasesermunan ako.
hindi ko man alam kung anong mangyayari sa akin sa maynila.. isa lang ang bagay na sigurado ko.
pagbalik ko dito sa pasig.. CPA na ko! by faith! hayyy...
comment kayo.

April 30, 2007

pagkatapos ng tag-araw ay tag-ulan (inspired by master obet)

mayo 1. 12.57AM. may isang adik na hindi makatulog. dala ng sobrang init, na may halong kalat-kalat na ulan na nagpakalat ng mainit na singaw sa atmospera.

*******

TOKWAAAAAA~~~!!!!

bakit ganito kainit... tatlong beses na ko naligo ay nanlalagkit pa din ako.

kumusta na kayong lahat! eto na naman at nagbabalik ang maganda niyong lingkod, nainspire kasi ako kay kuya obet na gumawa ng post. kaya eto na yun!

*******

ACKNOWLEDGMENT <tama ba spelling?>

nais ko po magpasalamat sa lahat ng nakaalalang bumati sa akin nung birthday ko. nais ko din pasalamatan ang lahat din ng mga well-wishers nun graduation ko. special mention kay/kina/sa (pls underline whatever is applicable):

~~sa mga kasama ko sa PSBA SSC--myk,jk,raf,arvin,allin,jopai,rj,aris..lalo na sa mga kabatch ko na sina vani, mark at mich.. kahit di tau close lhat eh ayos na din, salamat sa inyo :) isama ko na din sina ben at jonathan..

~~USBC--org ko to! specially kina cyndie, amie, karen, benzon, gretz, kriz, alan.. thank God for your lives. sana next SY mas maging active pa tayo, at sana maging champion uli sa intrams! hehehe! galing galing.. balitaan niyo ko ha..

~~JFES--ang aking acad. org :) sa mga officers, specially kay gen at rhem.. tamang tawa tayo lagi! kaya yoko kayo kasama umiiral pagkabaliw ko!

~~sa mga naging kaklase ko sa PSBA sa lahat ng subjcts..specially sa accounting. heheheh! specially sa tropa nila lena. nyaaah! mga katandem sa kodakan! sobra! pati pala si kuya eli. aka kuya dick. peace po hehehe! pati na din sa mga jpian classmates ko.. napakabait nila sa akin. :)

~~sa mga naging prof ko po sa lahat ng subjects specially sa acctg uli! specially uli kay sir ong, mam de jesus, mam filamor and mam espiritu. grabe dabest po kayong apat. :)

~~sa mga naging classmates ko sa USTe--BMID (voteout specially) at 3A5 (ralfi, cherry, kaye, eda, reina, ester, allan) mga tunay kayong kaibigan! miss ko na kayo. kelan ba tayo magkikita uli? keep in touch na lang.

~~sa mga naging prof ko sa USTe, lalo na kay sir warren, sir roda. dabest po kayo. pati na din kay mam empleo, sir valguna at mam cruz. dabest din po kayo. MAMBAGSAK. tseh!ahahahaha....

~~sa KKB UST po (brenan, ate kathie, kuya bam, ate jane, kuya dex, jade, lnard, ate jomel, ate mean) kasi kahit kalahati lang ng college life ko ang inilagi ko sa UST eh naging meaningful naman po ito dahil sa inyo :)

~~sa KKB recto po..kina heidz, lovely, andet, kuya albert.. kahit 2x lan ako nagparamdam sa gathering, pasencia na po talaga...

~~sa KKB Cyberministry team--ate cora, jade, kuya obet... hay kelan ba tau magkikita uli? :)

~~ang KKB online barkada! mga milan girls, mareng riyo, doray, ray, rhobs, CK, aai, basta lahat na! salamat sa mga bati ninyo at nakakaalala pa din pala kayo. waaaaaaaaa.

~~ang KKB pasig shemferds! maraming salamat kasi kahit mejo nawala ako sa sirkulasyon ay hindi pa dn kayo nakakalimot na kumustahin ako. nakakahiya tuloy. huhuhu.

~~mothball girls--ate neth, ate etchie, ate pepz, ate ode, ate nanie--my pretty ate's sa kkb! sobrang blessed po ako kasi kahit busy kayo eh njan pa din kayo para sa akin :) i love you all po...

~~rugby boys--ninong, kuya tata, kuya franz, kuya neds, kuya son, kuya noel... :) ang gugwapo niyo talaga. la ko masabi.

~~sa KKB bataan - sa orani po ha. hehehe. salamat sa warm friendship. nanginginig pa!

~~sa mga special friendships..

  ``bes - kahit busy ka eh ok lang, para yumaman ka na at mailibre mo na ko! pambihira! :) miss na miss na kita huhuw! :D

  ``best - at last after centuries nag usap din tau! :)

  ``paul garilao - sa mga words of encouragement nung tag thesis ko :) naks engineer ka na! congratz! :D

  ``CK - sa wlang humpay na pangungulit sa mundo ng SUN. sana lang hindi topak ang signal para tuloy tuloy ang saya diba! nyahahah!

  ``pardz - makulay ang lavlayf nito ngaun kaya congrats na lang! peace! see you somewhere out there.. ahehhe...

  ``ate jack - sa special na graduation note--may background pa talaga natin ha.. touched na talaga ako.. sobra. waaaaa...luvyah te.

  ``mareng riyo - isa pa to sa makukulay ang lavlayf. :) miss you so much na talaga DOKTORA. :) see you sa gateway. hehehe!

  ``emer - salamat sa graduation gift. :) iingatan ko yun. thanks talaga.

  ``tagteam ILAR - mula pa lang acctg5 magkasama na tayo.. salamat sa company ha! ayus ka talaga. :) nagsisi talaga ako at kinamuhian kita nun. hahaha!

~~kay kuya rommel - o byaw, ingatan mo si ate ha. otherwise... toot. hehehehe!!! thanks po sa pagsama nun grad ko ha :)

~~kay ate kariz. mahal na mahal kita ate. sungit! ahahaha... one of a kind ka talaga.

~~karmi. payat ka na! maabutan mo na ko! antaba ko na! waaaaaahu!

~~kay mommy. sa bonding moments po natin. sa usapang kakikayan at kaartehan. sa lahat po :) i love you po.

~~kay daddy. sa libro, tuition, baon, libre, lahat na. youre the best dad evah! :)

~~sa KADA ORG! aka JOK JOK SHAMAX - jen, olga, kat, james, ode, shen, honey, alex, emong, xy--PSBA have been never the same nun nakilala ko kayo. well! ganyan talaga... mga future CPAs! :) sayang lang ala kaung lahat nun rites. i love you all!

and most specially to OUR LORD GOD ALMIGHTY! im blessed and thankful dahil nakilala ko Siya as my Lord and Savior. all glory to YOU alone :)

o sha... hindi na ko naeLBM. makakatulog na ko.

March 17, 2007

bakit pag gusto mo, ayaw mo... at pag ayaw mo... magulo?

ganyan ang nasa isipan ko ngayon.

minsan, (gaya ngayon)... marami kang gusto at dapat na gawing mga importanteng bagay pero hindi mo magawa... may mga rason diyan. gaya ng..

1.  tinatamad kang gawin yun.

2.  may mas importante kang dapat gawin. at

3.  tinatamad kang gawin yung number 2.

hay!!!

ano ba tong mga pinagsusulat ko dito.

kumusta naman ako.  malapit na ako makagraduate. sa wakas! muntik pang madelay ulit kasi may iniimpose na bagong curriculum para sa BSA. buti nalang di kami totally affected. pag nagkataon, 23 yrs.old na ako makakagraduate! please lang!

tapos na din ang defense. medyo sblay dahil sa sisenta pesos na discrepancy sa financial statements pero atleast di na pinarevise sa amin.

isa na lang. FINAL EXAM!  sa lunes na yun. pero di ko pa tapos aralin kasi madami akong iniisip. kung ano anong bagay. di ko maintindihan sarili ko. nababaliw na yata ako. wag naman sana!

iniisip ko na lang.. pagkatapos ng march 20...makakapgliwaliw na ako! mkakapag internet na ko buong magdmag... makakapg mall hopping na ako... mkakatulog na ko nang maayos... makakapag food trip na din ako... at makakapag out of town getaways! pero after march 20 pa yun. haynaku.

cge. tska na lang yung ibang writeups ko ha. magaaral na ako.

sana april 21 na! bakit kanyo? sikret!

February 28, 2007

walang tubig! (hinaing ng taong gutom)

Hay, malapit na nga talaga ang eleksyon.

Gumising ako ng maaga kanina. Earlier than the usual wake up time. Wednesday kasi ngayon. Ang sked ko sa klase ay 9am, so dapat by 6am gising ka na para hindi masira ang byuti mo sa pagpila sa fx terminal (option 1), o di kaya, makasabay ako sa daddy ko para sa LRT na lang ako sasakay papuntang school (option 2).  Option 1 will cause me to incur Php60.00 transportation cost, while option 2 will just cost me Php20.00. I should take the 2nd option in order for me to achieve Php40.00 savings (60-20). Kamote! Nagkukwento ako ah! Bakit may management accounting na napasok! Grrr sorry po.

Anyway, yun nga, kahit 6am dapat eh gising na ako, 7.30am ako gumigising kasi tinatamad ako gumising ng maaga nowadays. You’ll never want to know kung bakit. Baka kasi may makabasa eh isumbong pa ako. At hindi pa ako maka-graduate. J

Pero this day is a different one. For two reasons: (1) may exam kami sa acctg14, at (2) may JOB FAIR kasi! Napuyat pa nga ako dahil sa kakaisip ng mga posibleng sagot sa posibleng itanong sa akin sa job interview at sa paghahanap ng corporate attire. Nung una nga dapat magiiskirt ako above the knee, pero hindi ko na lang tinuloy kasi baka pag upo ko pa lang eh din ako matanggap sa trabaho. Kaya nag slacks na lang ako, turtleneck at blazer courtesy of Katrina Cortez.

Paggising ko nga nang maaga, nainis ako dahil pagtingin ko sa banyo eh WALANG TUBEEEEGGG! (ganyan talaga ang nasabi ko nun.).  Kaya naman naghagilap ako ng pwedeng pagkuhanan ng tubig sa labas ngunit yung mismong igiban dito ay walang tubig din. Pagbalik ko, sinabi sa kin ng daddy ko na “may isang palangganang tubig pa sa may laundry area, ikaw na ang gumamit nun.” Kamote. Mga limang tabo lang! paano yun magkakasya sa isang matangkad na kagaya ko… kaya ang ginawa ko, nandekwat ako ng konting tubig sa mineral water dispenser para makadagdag sa pampaligo. Nyaks. Soshal nuh. Alam ko sayang kung pangpapaligo ko lang, eh wala naman akong choice! Alanaganamang pumunta ako ng job fair na may shampoo pa ang buhok ko diba.. o kaya naman may soap suds pa yung braso ko…

Tinanong ko sa tatay ko (nakaligo na ko by that time) kung bakit walang tubig.  Sabi niya may binutasan kasing parte ng kalsada dito sa may amin. Aayusin ata ang drainage at tubig. Ok ok.

Nakasabay ako sa tatay ko kaya nagkaron ako ng Php 40.00 savings sa transportation cost ko. Nung nasa kotse na kami, sa byahe, napansin ko na ang traffic masyado. Akala ko may banggaan lang o kung ano. Nung Makita ko ang salarin sa trapik… aynaman! Ginagawang kalsada ulit!

Nung naglalakad na ako papuntang skul, sobrang maingay ang kapaligiran. Nung papalapit na ako sa pinagmumulan ng ingay, napabuntung hininga na lang ako. Bakit?  Dahil may isang malaking trak (parang yung mga trak sa tank wars) na nagtitibag ng semento. Katabi nun ay mga men in orange na naghuhukay ng kalupaan. Hukay dito, hukay doon. Looks family to ah! May ginagawa na naman na kalsada.

Tsaka ko naisip na kaya ganun kasi malapit na ang eleksyon. Pabanguhan na naman ng mga pangalan ng mga kunsinong mga tao dyan na may kagustuhang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno natin. Minsan nga pag napapatingin ako sa mga dingding sa kalsada, kahit magdrawing na lang ng pusang maliit sa dingding basta mailagay lang ang pangalan ng isang tao eh, in 100000+ font size, times new roman pa (matapos ang isang katagang IN GOD WE TRUST, in size 36 font size, wingdings pa.). O kaya naman eh lahat ng okasyon, may pabati ang ilang mga tao diyan. Yung tipong kahit birthday ng katulong nila eh ipapabanner pa (e.g., HAPPY BIRTHDAY INDAY! From mr. & Mrs. So and so and family).  Eto pa, kahit saan ako tumingin, sa waiting shed, sa mga tulay, ultimo sa paso ng punong strawberry, eh nakatadtad ang pangalan ng NAGPAGAWA NG MGA ITO (e.g., a project of Mr and Mrs Echlavou and family). Joke lang yung may family. Hehehe.

Sa totoo lang, sawa na ako sa ganyan. Iniisip ko na nga lang eh pag bumoto ako, partylist na lang ang iboboto ko, CIBAC! O dba, hanep sa segue… hehehe!

Seriously, nagppray ako n asana matuto naman tayong lahat! Hindi lang ang mga botanteng pinoy, pati na ang comelec at ang pamahalaan… mukha kasing naglolokohan na lang tayo eh.

Para

maiba lang diba.

O siya, gutom na ako.

January 20, 2007

usapang buhusan ng tubig imburnal

january 20, 2007.

almost 10.30am. ako'y umalis ng bahay para pumunta nang maaga sa school at mag aral ng MAS (acctg14) kasi midterms na namin sa lunes. medyo hindi ko pa siya naiintindihan bunga ng mga bagay na hindi maiiwasan. kung anuman ang bagay na yun, akin na lang yun.

ang suot ko:  yellow na cebu souvenir shirt. tattered jeans by bench, and bench flip flops. nakalugay ang buhok ko nun kasi at least mailugay lang habang basa pa... pag natuyo kasi yan... you dont want to see kung ano magiging itsura ng buhok ko. sabay naka shades ako. bakit. mataas naman ang araw ah. walang pakialamanan. madami akong dalang libro nun, pati libro sa auditing meron ako. tapos dala ko din ang mga handouts ng sample problems namin sa auditing.

nag abang ako ng tricycle. papunta sa sakayan ng fx ng quiapo. nung sumakay ako, nagtaka ako sa manong drayber, dahil dun siya dumaan sa unusual na ruta. inisip ko, ah, baka shortcut lang niya. pero nang malaon, napansin ko na hindi na sya shortcut. may isinakay pa siyang babae na nagaabang din. medyo nabadtrip ako. "ano ba, special na nga eh, nagsakay pa tong mamang to. badtrip." eh di ayun, habang bumibyahe, bigla uli siya nagtahak ng ibang daan. lubak lubak at maalikabok na daan. hala, san kaya papunta ito?

yun pala, naalala ko na pyesta pala sa barangay namin. ah, kaya pala medyo matraffic kanina.. kaya din siguro nag iba ng ruta ang drayber na itetch. tapos, dinaanan namin ang bolante compound. isang depressed area na malapit sa palengke ng pasig. tapos, napansin ko na basang basa ang mga taong nasa bangketa. at yung iba, may dalang tabo at balde at mukhang masasaya sila.

uh-oh.

yun ang nasambit ko... sabay nagpray ako...

LORD WAG SANA NILA KAMING BASA....

biglang may nagbuhos sa akin ng tubig. narinig ko ang tawanan at pangaasar ng mga lalaki.

hindi pa nakuntento... binuhusan pa ulit ako. isang tabo. at isa pa. at isa pang balde.

...IN. dun ko lang natapos ang inusal kong panalangin.

"kamote. LORD naman eh!"

yun ang nasambit ko habang may isang baldeng tubig pa ang tumilapon sa katawan ko.

basa ang bagong libro ko. basa ang bag ko, pati ang mga laman nito. basa ang envelope ko pati ang handouts ko. pati celfone ko nabasa at nasira. at higit sa lahat, NABASA AKO. ang mata ko lang ang hindi nabasa. yung eye area ko. kasi mejo malaki ang suot kong shades kaya nakaligras ito sa mapang asar na buhos ng tubig.

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na yun. yung babaeng katabi ko panay ang sabi ng $#!t... ako hindi na ako nakapagsalita pa sa galit. gusto ko bumaba ng tricycle at ayain ng suntukan yung mga nambasa... pero naisip ko din na baka kuyugin ang beauty ko nun kaya di ko na tinuloy ang maitim kong balak.

habang nagiisip ako ay may nambuhos uli. at hindi lang sya ordinaryong tubig. hindi tap, hindi poso... dahil medyo gray ang kulay ng tubig.... kung ano ang iniisip mo... kung san nanggaling ang tubig na yun... basahin mo na lang ang title ng post ko. yun na.

grabe. bakit may mga ganung tao? hindi ako nakapasok dahil sa nangyari. sabi ko sa manong... IUWI NIYO NA KO!

sabi ba naman... "dun ba uli tayo dadaan?"

gusto ko umbagin nang pabaligtad ang draber na yun kasi pakiramdam ko... pinagkaisahan nila ako!

nung umuwi na ko ng bahay, direcho CR ako at binuksan ang shower. para akong nagahasa "OA nuh" na kakaiyak.. kasi hindi ko matanggap ang nangyari sa akin. tinawagan ko ang mga kapamilya ko upang ibalita ang trahedyang nangyari sa akin. ang hindi ko alam, madami din nakaalam dahil pinagkalat ng nanay ko sa office nila yung nangyari sa akin. pero ayos lang. nanay ko naman yun eh.

ang masasabi ko lang. hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari sa akin. as in.

kung ikaw ay kumakain at naiyak sa pagbasa ng post na ito, excuse me po.

September 30, 2006

kumusta naman....

that's my official expression for the meantime. but for me, it's not merely an expression. i really mean it.

milenyo, milenyo, milenyo. (ang hirap itype ng milenyo ha. try mo lang!) grabe. ibang level ang lakas ng hangin sobra.... nakakatakot talaga... kala ko nga bibigay yung poste ng kuryente sa may amin eh.,.. sa sobrang takot ko naparami ang kain ko ng fried chicken.

2 days din brownout. hays... sobrang kalokarech ng ulirat... buti na lang nakapagcharge ako ng fone ko hehehe... kaya yun... ayos lang kahit brownout...

kagabi lakas ng trip ko,,, nood ako ng sine mag isa... STEP UP and movie.. grabe ang ganda... galing sumayaw ng girl... sana lang ganun din ako wahahaha... pero di kasi bagay mashado akong matangkad para sumayaw ng ganung kalupit...

bukas JIL anniv na... exciting. kasi diba, ang saya, after ng matinding hagupit ng bagyo... yun ang opportunity ni God na maipamalas ang glory and mercy Nya sa atin... and i cant wait to witness that...

sa ngayon. masaya ako. masayang masaya. sapagkat....YUN NA! hehehe... la lang...

yung lumang number ko po na 0915-5773657 wala na po, nagiba na ako ng number... may tinataguan kasi ako. joke... hehehe may blessing po kasi eh... at para makuha ko ang blessing na yun eh dapat mag iba ako ng number. hehehe... :D

cge uwi na ko... nagugutom na ako eh.

comment ka naman kung gusto mo lang. :D

September 04, 2006

much has been said.

kasi yan ang title ng song dito sa net shop. it's been ages since i last made a post in here.

well! look do we have here! hehehe. this is the final week before our deadline for our case analysis in management. but honestly, i dont know where to start my part for the write up. then this week will be our departmental acctg quiz. horrible. toxic. 2 words that describes how i'm feeling as of the moment. i dont know if i could reach the finals for this semester with a sane mind. hehehe. this is indeed the hardest semeseter for me.

last week i joined the jpians in visiting Isla Lipana and CO., an auditing firm in makati. i was impressed by the way the HR personnel presented the firm to us. i'm considering the firm to be one of my options when i look for a job. :) i got excited to enter the 'working' life. :) though some says that if theyll be given an option whether to study or work.. they'll take the first choice. well i dont know. lets see when i get there.

i wasnt able to attend church yesterday because of a school activity. i got kinda frustrated because ill take the exams this week without attending church. hehehe. well i guess i have to do my part and pray hard for this.

hmmm. much has been said. i guess. ive got nothing more to say.

feel free to post comments or violent reactions. :) itll be very much appreciated. God bless ya'll! :D