My Photo
Powered by Friendster Blogs
Member since 04/2005

« kumusta naman.... | Main | walang tubig! (hinaing ng taong gutom) »

January 20, 2007

usapang buhusan ng tubig imburnal

january 20, 2007.

almost 10.30am. ako'y umalis ng bahay para pumunta nang maaga sa school at mag aral ng MAS (acctg14) kasi midterms na namin sa lunes. medyo hindi ko pa siya naiintindihan bunga ng mga bagay na hindi maiiwasan. kung anuman ang bagay na yun, akin na lang yun.

ang suot ko:  yellow na cebu souvenir shirt. tattered jeans by bench, and bench flip flops. nakalugay ang buhok ko nun kasi at least mailugay lang habang basa pa... pag natuyo kasi yan... you dont want to see kung ano magiging itsura ng buhok ko. sabay naka shades ako. bakit. mataas naman ang araw ah. walang pakialamanan. madami akong dalang libro nun, pati libro sa auditing meron ako. tapos dala ko din ang mga handouts ng sample problems namin sa auditing.

nag abang ako ng tricycle. papunta sa sakayan ng fx ng quiapo. nung sumakay ako, nagtaka ako sa manong drayber, dahil dun siya dumaan sa unusual na ruta. inisip ko, ah, baka shortcut lang niya. pero nang malaon, napansin ko na hindi na sya shortcut. may isinakay pa siyang babae na nagaabang din. medyo nabadtrip ako. "ano ba, special na nga eh, nagsakay pa tong mamang to. badtrip." eh di ayun, habang bumibyahe, bigla uli siya nagtahak ng ibang daan. lubak lubak at maalikabok na daan. hala, san kaya papunta ito?

yun pala, naalala ko na pyesta pala sa barangay namin. ah, kaya pala medyo matraffic kanina.. kaya din siguro nag iba ng ruta ang drayber na itetch. tapos, dinaanan namin ang bolante compound. isang depressed area na malapit sa palengke ng pasig. tapos, napansin ko na basang basa ang mga taong nasa bangketa. at yung iba, may dalang tabo at balde at mukhang masasaya sila.

uh-oh.

yun ang nasambit ko... sabay nagpray ako...

LORD WAG SANA NILA KAMING BASA....

biglang may nagbuhos sa akin ng tubig. narinig ko ang tawanan at pangaasar ng mga lalaki.

hindi pa nakuntento... binuhusan pa ulit ako. isang tabo. at isa pa. at isa pang balde.

...IN. dun ko lang natapos ang inusal kong panalangin.

"kamote. LORD naman eh!"

yun ang nasambit ko habang may isang baldeng tubig pa ang tumilapon sa katawan ko.

basa ang bagong libro ko. basa ang bag ko, pati ang mga laman nito. basa ang envelope ko pati ang handouts ko. pati celfone ko nabasa at nasira. at higit sa lahat, NABASA AKO. ang mata ko lang ang hindi nabasa. yung eye area ko. kasi mejo malaki ang suot kong shades kaya nakaligras ito sa mapang asar na buhos ng tubig.

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na yun. yung babaeng katabi ko panay ang sabi ng $#!t... ako hindi na ako nakapagsalita pa sa galit. gusto ko bumaba ng tricycle at ayain ng suntukan yung mga nambasa... pero naisip ko din na baka kuyugin ang beauty ko nun kaya di ko na tinuloy ang maitim kong balak.

habang nagiisip ako ay may nambuhos uli. at hindi lang sya ordinaryong tubig. hindi tap, hindi poso... dahil medyo gray ang kulay ng tubig.... kung ano ang iniisip mo... kung san nanggaling ang tubig na yun... basahin mo na lang ang title ng post ko. yun na.

grabe. bakit may mga ganung tao? hindi ako nakapasok dahil sa nangyari. sabi ko sa manong... IUWI NIYO NA KO!

sabi ba naman... "dun ba uli tayo dadaan?"

gusto ko umbagin nang pabaligtad ang draber na yun kasi pakiramdam ko... pinagkaisahan nila ako!

nung umuwi na ko ng bahay, direcho CR ako at binuksan ang shower. para akong nagahasa "OA nuh" na kakaiyak.. kasi hindi ko matanggap ang nangyari sa akin. tinawagan ko ang mga kapamilya ko upang ibalita ang trahedyang nangyari sa akin. ang hindi ko alam, madami din nakaalam dahil pinagkalat ng nanay ko sa office nila yung nangyari sa akin. pero ayos lang. nanay ko naman yun eh.

ang masasabi ko lang. hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari sa akin. as in.

kung ikaw ay kumakain at naiyak sa pagbasa ng post na ito, excuse me po.

                            

Comments

ciao ate..nabasa ko ung blog mo.grabe nmn nangyari sayo:D..pero khit na ganun pa man..e lab ko prin PINAS :D hahaha..lolz GOD bless po! Love Lots!!

nakakatawa na nakaka asar ang ngyari nga seo...buti na lng d2 waLang ganyan...at di ko pa xa na exp.pag nasa pinas ako...ganda naman ng atire mo..tsk...

OMG! grabe naman un?! ok lang sna kung tubig lang pero ung last..?! kainis nga tlga! hay naku.. buti nlang christian ka kng ndi sa tangkad mo na yan baka ano ngyari s knla! haha jokes. ganda ganda pa nman ng attire mo sinira nila beauty mo!

sorry about that. pag sa akin ginawa yan, malamang may gugulpihin ako haha

Grabe ang naganap sa iyo karen. pero ayus lang yan, pwede ka na magartista

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .