isang anekdota tungkol sa isang taong itatago natin sa pangalang...
7.10 ng umaga.
late na ako para sa law review class ko.
pero dahil hindi ako nag hapunan kahapon sobrang gutom ako.
kaysa naman pumasok ako ng gutom. malamang niyan hindi ko maabsorb ang mga pointers sa law. eh doon pa naman ako bagsak nun preboard examination. kaya kelangan seryosohin ang law.
isang beses na lang ako sa isang araw kung kumain ng kanin at ulam dahil sa: (1) mataba na ako at gusto kong maibalik ang mala-modelo kong pangangatawan (nyak!); at (2) nagtitipid ako dahil sa isang kadahilalang hindi ko maaaring isambulat dito. tsaka ko na lang ipapaliwanag.
napadaan ako sa mcdo. "hmmm. may libreng dyaryo pala dito sa mcdo. dito na lang ako kakain."
"hi mam magandang umaga... welcome to mcdonald's!" and masayang bungad sa akin ng crew na nasa counter.
dahil nagmamadali na nga ako, dumiretso na ako sa counter upang umorder. "isang longganisa meal at orange juice."
"70.00 po mam."
kaya dumukot ako ng isang bente at isang singkwenta sa aking wallet. 270 na lang ang allowance ko hanggang bukas. kaya habang binabayad ko iyon iniisip ko na hindi na ako kakain ng lunch at meryenda mamaya. kung kakain man ako ng hapunan yung budget meal na lang. sa 20.00 may kanin at ulam ka na...
habang iniisip ko ang mga ito ay binigyan ako ng kahera ng 130.00.
hala.
kamusta naman. may sukli pa! sabi ko sa sarili ko.
ang sampung segundong katahimikan at pag iisip kong iyon ay naging buong magdamag sa akin.
kung isosoli ko ang 170.00, sayang naman. eh di sana hindi na ako hihingi ng allowance hanggang linggo. at least nakagaan kay mom and dad. o kaya naman pwede kong ipambili ng hapunan mamaya.
kung hindi ko naman iyon isosoli, mapupuruhan naman ang kahera dahil magkakaroon ng discrepancy sa ibinigay ko at sa isinukli nya. kawawa naman siya kung hindi ko isosoli at sa kanya pababayaran ang nagkulang na pera.
sa sampung segundong iyon, ginawa ko ang idinidikta ng aking konsensya.
"ah, miss, 70.00 lang po ang ibinigay ko. wala na akong sukli."
"eh mam 200.00 po yung ibinigay niyo..."
mahaderang kahera to ah! napatawa ako sa isip ko lang. mas marunong pa sa akin.
"hindi miss, 70.00 lang ang binigay ko..."
tinignan niya uli ang cash register at yun, napagtanto niya na tama ang sinasabi ko.
nakita ko ang bakas ng tuwa sa kanya. marahil kasi pag nagkataon, makakaltas sa sweldo niya ang 170.00 na pilit pa nyang sinusukli sa akin.
"miss pahinging dalawang catsup..", ang sinabi ko pagkatapos.
pagkabigay niya sa akin ng aking hinihingi, nakangiti siyang nagpasalamat sa akin. nakadama ako ng tuwa sa sarili ko dahil alam kong ginawa ko ang tama. sa ganoong paraan may napasaya akong isang tao.
minsan sa buhay natin, may mga bagay tayong ginagawa na alam nating mali. pagdating sa mga ganitong simpleng sitwasyon masusubukan natin ang karakter natin. marahil walang nakakaalam sa mga ginagawa nating kabuktutan ngunit bukod sa sarili natin, may isa pang nakakaalam ng mga ito. at alam mo na kung sino yun.
note: ang bida sa istorya na to ay ayaw maglantad ng kanyang katauhan dail shy-type siya.

Comments