Confessions of a Bagito in the Corporate World.
OCtober 30, 2007.
26F PSE Bldg., ORtigas
ilang minuto matapos mag coffee break.
First day ko ngayon sa opisina. hindi ako makapaniwalang may trabaho na ako. hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi ako kabilang sa mga UN- at UNDER- employed sa ngayon... o maiinis dahil walong araw lang matapos ilabas ng PRC ang CPA results, hindi ko man lamang nalasap ang pakiramdam ng makapag-pahinga. Pagkatapos ng board exam, trabaho agad. NA-excite lang ako siguro dahil ni OJT sa school ay hindi ko naranasan. NA-pressure din marahil.. sa kadahilanang ako na lang sa pamilya ang hindi pa nakakaranas ng feeling ng sumusweldo.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Na-realize ko din na ganito pala ang feeling ng tumatanda. waaah! aminin ko man o hindi, kailangan na talagang mag grow up! tapos na talaga ang maliligayang araw ko sa kolehiyo (nakakamiss mag aral pramis!). Nalagpasan ko na din ang isa sa pinaka kahindik hindik na pagsusulit ng PRC BOA, sa tulong ni God :). BAgong career ang naghihintay sa akin. Panibagong mga tao ang makaksalamuha ko (so far sa office mababait naman ang mga tao, taliwas sa mga tsismis na ang mga tao sa audit firm ay masusungit.) Panibago ding mga pagsubok ang kakaharapin ko. Kapalit ng lahat ng ito ay ang mga sumusunod: Starbucks/Seattle's BEst/NEscafe 3-in-1, mga gwapong guys in long sleeves and necktie na pakalat kalat sa tektite (joke!), at ang pinakaminimithi kong sweldo (hindi naman ako mukhang sweldo..experience talaga ang gusto ko..). At higit sa lahat, ang bawat leksyon sa buhay na hindi pa naituro sa akin simula sa kinder hanggang sa college-- mga pointers na dapat isabuhay ng isang matinong CPA.
Ang dating KAREN SANTIAGO--iyakin, pikon, masungit at medyo pasaway--ay magiging pasensiyosa, mapagbigay pa lalo, matiyaga, at medyo pikon na lang =). Sa pagtahak ko sa panibang landas ng buhay, bilang isang matured professional.. TODO NA TO! (audience: wehhh, pauso!)
O siya, back to work na ako.

Comments