ang valentine's day sa point of view ng isang Single (o It's Complicated).
February 14, 2008.
I woke up past eight in the morning.
“Kamote. Late na naman ako!”, sabi ko sa sarili ko. Napagod kasi ako last night pag update ng antivirus ng computer ko. I went to sleep at almost 2 a.m.
I did my usual routine. Took a bath, prepared myself for work.
This is my 3rd field work day at the Rockwell. Dumaan muna ako sa office to get the working papers and some supplies needed for the audit. I got lot of stuff to carry, that I can’t afford to walk far, sumakay ng jeep, sumakay ng bus, sumakay ng jeep ulit, at maglakad nang malayo. Kaya nag taxi ako. Badtrip. Kasi kung saan saan ako dinaan. Ang mahal tuloy ng binayaran ko. Buti na lang may sweldo na ko. Hehehe!
Panay ang tunog ng cellphone ko. Puro valentine greetings. Hay! Di ko nirereplyan. Like the usual naman. Tinatamad na ko kasi magtext ngayon.
It’s just like an ordinary day for me. Trabaho. Kain. Tapos trabaho ulit. Medyo kakaiba lang ngayon kasi dun sa field ko maaga nagsiuwian ang mga tao. May mga date daw kasi. Tsaka nun lunch time, nasa mall ang karamihan. Bibili dawn g bulaklak para sa mga misis nila. Ang sweet.
Habang ginagawa ko ang post na ito, nakaupo ako sa dulo ng isang long bench. Sa mall. Dito sa Rockwell. Habang ngumangata ng chocolate cookie. At habang pinagmamasdan din ang mga tao, pawang mga masasaya sila. Ang mga tinutukoy ko na sila—mga magsing irog. Magsyota. Magboypren. Magkasintahan.
Kahit noon pa man, naiisip ko na “bakit ba may Valentine’s day?”. Sabi ng isang dj sa radio, nababaduyan siya sa Valentine’s day. Sobrang agree ako sa kanya. Siguro, dahil hassle, madaming tao sa mga romantic places gaya ng palengke. Joke lang. I mean, sa mga mall, lahat ng nakakasalubong ko (gaya ngayon), mga couple. Iba ibang uri. May isang pares na mas matangkad ang babae sa lalaki, may ibang ok lang, may ibang emo, may ibang foreigner. Basta. Iba iba. Pero isa lang ang pareho sa kanilang lahat. Lahat sila Masaya. At yung babae may hawak na roses/chocolates/balloons/teddy bear.
At ang mga radio nga, puro senti at love songs ang tugtog. Waaaah! Ewan ko ba, pero nangingiti na lang ako kanina sa fx pag naririnig ko yung mga kanta. Akmang akma talaga para sa araw na ito.
Sabi sakin ng mga empleyado na kilala ko dun sa field, Karen, wala ka bang date ngayon? Nginitian ko na lang sila. A smile, means, wala! Hehehe! Sabi ko busy kasi ako. Sa mga mata nila nababasa ko ang mga katagang.. “WUSHU! EXCUSES! NAGPAPALUSOT! WALA KA LANG KA DATE EH!”. Sa naexperience ko kasi ngayon, pag wala kang date, outcast ka. Chakka ka. Lahat na. wala naman ako nakikitang masama kung wala akong date di ba? Busy nga eh. Bakit ba kailangan ko pang magpaliwanag sa kanila?
Ang masasabi ko lang, para sa mga In a Relationship, o Married status… enjoy this day! Marahil ginawa talaga ang araw na ito para sa inyo. Sa mga It’s Complicated naman, make up your mind! Ano ba talaga? Hehehe! Masyadong kumplikado ba… sana maayos na yan. At sa mga SINGLE na kagaya ko..MABUHAY TAYONG LAHAT! Mag overtime tayo para dagdag sweldo. Hehehe! Joke lang. siguro lang, hindi pa ngayon ang tamang oras para ibahin natin ang status natin sa friendster. Ibahin ng In a Relationship, o Married (kahit mag boyfriend pa lang). Huwag tayong malungkot kasi hindi pa talaga itinakda na malaman o mameet natin kung sino ang better half natin. Ibig sabihin lang siguro nito, hindi pa tayo handa para sa mga ganon. Mga bata pa tayo. Joke lang ulit! Siguro (ulit?), hindi pa tayo handa emotionally o spiritually para sa relasyon na ganyan. Basta, i-enjoy lang natin kung anong meron tayo ngayon—pagkain, trabaho, pag aaral, mga kaibigan, at ang aso ng kapitbahay niyo.
Mag gagabi na as of this post. Aalis na ako. May kikitain kasi ako eh.
Ingat!

"At sa mga SINGLE na kagaya ko..MABUHAY TAYONG LAHAT! Mag overtime tayo para dagdag sweldo."
-Agree! Agree! Hahahaha
Sila nabawasan pera sa date tyo naman nadagdagan! Nice one ate karen. Cute :P
Posted by: iEa | February 14, 2008 10:33 PM