Ang cellphone sa buhay ni Karen.
Ito po ay sinulat ko sa pagsagot sa forum thread patungkol sa Cellphone History sa www.KKBMovement.org. minarapat ko na i-share din ito sa inyo.
****
2nd yr HS ako nun unang nagka celfone.
*2000 - alcatel - un pang talk and text noon. smart ung sim ko. 5k ang bili ng nanay ko dito.
*2001 - nokia 3210 - pinaglumaan ng nanay na pinasa kay ate at pinasa sa akin. globe na ako nito, napressure kasi ako kasi lahat ng kapamilya ko naka globe.
*2004 - nokia 8250 - isa sa mga paborito kong phone. pinaglumaan ni mommy na pinasa kay ate na pinasa sa akin. maliit siya at may calendar. kaya hindi ako nakakalimot bumati ng haberdey sa mga kaibigan ko. nawala ito.
*2005 - nokia 3510 - ang una kong colored phone. pinaglumaan ng nanay ko na pinasa sa akin (atleast hindi dumaan kay ate!). nawala din.
*2005 - nokia 3510 ulit. - pinaglumaan ni ate na pinasa sa akin. nawala ulit.
___commercial: kung gusto niong malaman kung saan nawala ang huling tatlong phone ko, PM me. ma-aamaze kayo promise.__
*2006 - halos isang taon din na wala akong cellphone dahil nadala na ang nanay ko sa akin.
*2006 - nokia 3100 - ang cute ng cellphone na ito dahil glow in the dark ang cover, rhythmic ang lights, at malambot ang keypad. sobrang cool niya. pero binenta ng nanay ko nung magkaroon na ako ng ibang phone.
*2006 - SE k700i - pinaglumaan ni ate na pinasa sa akin. ok sana siya pero ang hirap gamitin ng joystick. hindi siya user friendly. kasabay nito ang..
*Nokia 7650 - patago ko itong binili sa palengke ng pasig sa halagang 1,500. hindi ito alam ng nanay ko. kaya nung nasa bahay na ako patago akong magtext gamit ito. pero eventually nabuking din ako. nga pala, spare unit ko ito. pang smart/sun. existing pa din ito up to now. medyo sira sira na nga lang siya.
*2007 - Nokia 6070 - libreng phone ito nung nagpa line ako sa globe. kabado pa si mommy nun binigay niya ito sa akin. ito yung 2nd phone na sa kamay ko unang napunta. pansin niyo ba? ngayon nasa tatay ko na ito kasi gusto daw niya nito.
*2007 - kinuha ulit ni ate ang k700i. sa ngayon gusto na yata niya ibalik sa akin dahil sa pasaway na joystick.
*July 2007 - Motorola L7i - yung pambili nito galing sa retirement pay ni mommy at tita ko. cool din ito kasi manipis siya. unang phone ko ito na may memory card. kaya lang nung leadership camp sa caliraya nahulog siya sa bowl. kaya nagloloko na.
*sa ngayon pinagiipunan ko na ang susunod na cellphone na bibilhin ko. bago pa tuluyang masira ang current phone ko.
bow!

ayos sa history ng phone a...hehehehehe
Posted by: Engel | July 27, 2008 06:54 PM