Nasa Huli ang Pag-iisip ng Title.
Nasa huli ang pag iisip ng title.
Note: This was written on June 12, my last night at Lucena, Quezon. Ngayon ko lang naipost sa dami ng shooting ko. Shooting gallery. Ngek corny….
****
Sa ngayon, wala pa akong maisip na pwedeng i-title sa post na ito.
Last day ko na (hopefully!) ngayon dito sa Quezon. Matapos ang tatlong linggong pagkakawalay sa aking pamillya at mga kaibigan sa Maynila, sa wakas, makakabalik na ako kung saan ako lumaki at nagkaisip… sa PASIG CITY (sabay taas ang kamay. Attire: long sleeved blouse. Kaya safe.)!!!
Ito ang unang pagkakataon na ma-assign ako out of town sa trabaho. Matapos ang unang pitong buwan ko sa USA and Co., nakalabas din ako ng kalakhang Maynila. Noon, lagi na lang ako sa Quezon City nadedestino. Ngayon, sa Quezon province na. Sosyal.
Noong sinabihan ako ng boss ko na kasama ako sa Enverga team, hindi ako nag dalawang isip na sumama. Isang malaking unibersidad sa Region 4 ang magiging client namin. Isang Main Campus sa Lucena, at apat na campus sa mga bayan ng Catanauan, San Antonio, Sampaloc at Candelaria. Ang buong pangalan ng school: Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. Itinatag ang university na ito around 1950s, at isa sa mga astiging school sa region 4 (sabi nila). Lima kaming pinadala upang i-audit ang accounts nila para makapag-provide ng reasonable assurance na ang kanilang financial statements ay materially free from misstatements (know-all accent. Sana!). Nung nag impake ako, isang dambuhalang bag ang dala ko. Ang mga laman: isang pares ng rubber shoes, isang pares ng leather shoes, isang pares ng sandals, isang pares ng bakya, at mga damit na kasya sa tatlong linggo. Kaya nung pagdating ko ng terminal at nakita ko ang bag ng mga kasama ko, gusto ko nang umuwi at bawasan ang mga damit ko. Pero siyempre hindi ko naman gagawin yun.
Super excited ako nang nasa biyahe ako. Madami akong expectations at pangamba at the same time. Dahil isang bagito sa field of audit, may reservations ako sa sarili ko na baka hindi ko magawa nang tama ang ipapagawa sa akin; na baka mapahiya ako sa kliyente dahil baka hindi ko masagot ang mga tanong niya; et cetera, et cetera. Ngunit pansamantalang hindi ko naisip ang mga yun nang magsimula na ang biyahe ko. Masaya. Madaming puno at magagandang tanawin. Hindi kagaya sa Maynila na puro usok, building, at mga mangongotong ang makikita mo.
****
Pagtapak namin sa terminal, pagkain ang sumalubong sa amin. That’s more like it! Yan ang nasabi ko. Kainan galore na ito! At dito nagsimula ang tatlong linggong sunod sunod na 5 times a day na pagkain nang libre. Para sa akin, blessing na ito, kasi madaming tao ang nagugutom at naghahagilap ng makakain at ipambibili ng makakain.
Kung iisa-isahin ko ang mga pangyayari sa bawat araw ng paglagi ko sa Quezon, baka bigla niyo itigil ang pagbasa ng blogpost na ito at pumunta na lang sa www.KKBmovement.org (hanep sa segue!). Kaya isasummarize ko na lang. Ang ginawa namin nung unang linggo ay nakipiyesta at kumain ng sangkatutak na cha misua (chami for short—ang specialty ng Lucena). Naki-usiyoso pa kami sa kabi-kabilang parada ng mga artista (e.g., Kapitan Boom, Alessandra de Rossi, Ronnie Rickets, Mariz, at si Dinky Doo). Special participation pa si Bayani Fernando na sa hindi malamang kadahilanan ay naandon kasama ng MMDA bandang musiko. Hmmmmmmmm!
Nung ikalawang linggo na—seryosong trabaho na mga tsong. Naiipon na nga yung pagkain sa lamesa namin sa dahilang hindi na namin ito makain sa sobrang dami ng gagawin. Pero pagsapit ng gabi, inuupakan na namin yan. Ito rin yung panahong nagsesenti na ako—yun tipong tinatawagan ko na ang pamilya ko kasi wala lang, kasi namimiss ko na sila. Yun nagsisimba at kumakain ako mag isa pag linggo kasi hindi ko sila kasama. Haaaaay. In other words, na home sick ako. Pinag-iisipan ko tuloy kung itutuloy ko pa ang pagpunta ng Australia balang araw.
Ikatlong linggo na. Gusto ko na talaga umuwi kaya tinapos na namin ang dapat tapusin. Sa wakas, June 13 ng hapon, natapos na namin ang trabaho (kung maituturing ngang tapos.. pag hindi kami naboljak eh di tapos na!)! nag-impake agad kami at namili ng pasalubong (uraro, pastillas, at uraro pa, pati longganisang lucban). Nagpunta na kami ng terminal at kumain ng huling hapunan.. Doon mismo sa una naming kinainan pagbaba ng bus galling Maynila—sa Chowking. At sa di inaasahang pagkakataon ay nakita kong kumakain doon ang kabarkada ko nung college na look alike ni Fido Dido. Hehehe. Sana lang hindi niya mabasa to kasi aawayin ako nun.
Alas otso na ng gabi nang umalis ang bus pabalik ng Manila. Super excited na naman ako. Yung pakiramdam ko nung bumibiyahe ako papuntang Quezon, yun uli ang pakiramdam ko nuung pauwi na ako. Kasi gusto ko nang Makita ang family ko. Super miss ko na sila. Ang dighay ni daddy. Ang pagiging cool ni mommy. Ang pang aasar (once in a blue moon lang ito hehehe) ni ate at ang paglalambing ni karmi.
Alas onse pasado nang gabi nang makarating ako sa kamias terminal. Natuwa ako kasi buong pamilya ko ang sumundo sa akin. Iisa lang ang ibig sabihin noon—namiss nila ang pag-iingay ko sa bahay at ang pangungulit ko sa kanila. Narinig ko din naman ito mula sa kanila.
****
Marami akong narealize nung tatlong linggo akong nahiwalay sa mga family and friends ko sa manila. Yung normal na narerealize ng mga taong nawawalay sa mga mahal nila sa buhay. Oo nga, tatlong linggo lang naman ako nawala, pero ang dami kong namiss. Paano pa kaya kung wala na talaga sa piling mo yung taong malapit sa iyo---malungkot hindi ba? Kaya naman ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa mga taong naging bahagi ng buhay ko (thank you speech? Valedictory address ito!).
****
Sa mga nag-abang sa blog post ko, if any, eto na po. Paumanhin sa delay. You know naman me, the sched is super hectic.
Teka. iisip ako ng title ng blog post na ito. Wait lang ha.

Comments