My Photo
Powered by Friendster Blogs
Member since 04/2005

June 26, 2008

Nasa Huli ang Pag-iisip ng Title.

Nasa huli ang pag iisip ng title.

Note:  This was written on June 12, my last night at Lucena, Quezon.  Ngayon ko lang naipost sa dami ng shooting ko.  Shooting gallery. Ngek corny….

****

Sa ngayon, wala pa akong maisip na pwedeng i-title sa post na ito.

Last day ko na (hopefully!) ngayon dito sa Quezon.  Matapos ang tatlong linggong pagkakawalay sa aking pamillya at mga kaibigan sa Maynila, sa wakas, makakabalik na ako kung saan ako lumaki at nagkaisip… sa PASIG CITY (sabay taas ang kamay. Attire:  long sleeved blouse. Kaya safe.)!!!

Ito ang unang pagkakataon na ma-assign ako out of town sa trabaho.  Matapos ang unang pitong buwan ko sa USA and Co., nakalabas din ako ng kalakhang Maynila.  Noon, lagi na lang ako sa Quezon City nadedestino.  Ngayon, sa Quezon province na. Sosyal.

Noong sinabihan ako ng boss ko na kasama ako sa Enverga team, hindi ako nag dalawang isip na sumama.  Isang malaking unibersidad sa Region 4 ang magiging client namin.  Isang Main Campus sa Lucena, at apat na campus sa mga bayan ng Catanauan, San Antonio, Sampaloc at Candelaria.  Ang buong pangalan ng school:  Manuel S. Enverga University Foundation, Inc.  Itinatag ang university na ito around 1950s, at isa sa mga astiging school sa region 4 (sabi nila).  Lima kaming pinadala upang i-audit ang accounts nila para makapag-provide ng reasonable assurance na ang kanilang financial statements ay materially free from misstatements (know-all accent. Sana!).  Nung nag impake ako, isang dambuhalang bag ang dala ko.  Ang mga laman:  isang pares ng rubber shoes, isang pares ng leather shoes, isang pares ng sandals, isang pares ng bakya, at mga damit na kasya sa tatlong linggo.  Kaya nung pagdating ko ng terminal at nakita ko ang bag ng mga kasama ko, gusto ko nang umuwi at bawasan ang mga damit ko.  Pero siyempre hindi ko naman gagawin yun.

Super excited ako nang nasa biyahe ako.  Madami akong expectations at pangamba at the same time.  Dahil isang bagito sa field of audit, may reservations ako sa sarili ko na baka hindi ko magawa nang tama ang ipapagawa sa akin; na baka mapahiya ako sa kliyente dahil baka hindi ko masagot ang mga tanong niya; et cetera, et cetera.  Ngunit pansamantalang hindi ko naisip ang mga yun nang magsimula na ang biyahe ko. Masaya. Madaming puno at magagandang tanawin. Hindi kagaya sa Maynila na puro usok, building, at mga mangongotong ang makikita mo.

****

Pagtapak namin sa terminal, pagkain ang sumalubong sa amin.  That’s more like it! Yan ang nasabi ko.  Kainan galore na ito!  At dito nagsimula ang tatlong linggong sunod sunod na 5 times a day na pagkain nang libre.  Para sa akin, blessing na ito, kasi madaming tao ang nagugutom at naghahagilap ng makakain at ipambibili ng makakain.

Kung iisa-isahin ko ang mga pangyayari sa bawat araw ng paglagi ko sa Quezon, baka bigla niyo itigil ang pagbasa ng blogpost na ito at pumunta na lang sa www.KKBmovement.org (hanep sa segue!).  Kaya isasummarize ko na lang.  Ang ginawa namin nung unang linggo ay nakipiyesta at kumain ng sangkatutak na cha misua (chami for short—ang specialty ng Lucena). Naki-usiyoso pa kami sa kabi-kabilang parada ng mga artista (e.g., Kapitan Boom, Alessandra de Rossi, Ronnie Rickets, Mariz, at si Dinky Doo).  Special participation pa si Bayani Fernando na sa hindi malamang kadahilanan ay naandon kasama ng MMDA bandang musiko.  Hmmmmmmmm!

Nung ikalawang linggo na—seryosong trabaho na mga tsong.  Naiipon na nga yung pagkain sa lamesa namin sa dahilang hindi na namin ito makain sa sobrang dami ng gagawin.  Pero pagsapit ng gabi, inuupakan na namin yan.  Ito rin yung panahong nagsesenti na ako—yun tipong tinatawagan ko na ang pamilya ko kasi wala lang, kasi namimiss ko na sila.  Yun nagsisimba at kumakain ako mag isa pag linggo kasi hindi ko sila kasama.  Haaaaay.  In other words, na home sick ako.  Pinag-iisipan ko tuloy kung itutuloy ko pa ang pagpunta ng Australia balang araw.

Ikatlong linggo na.  Gusto ko na talaga umuwi kaya tinapos na namin ang dapat tapusin.  Sa wakas, June 13 ng hapon, natapos na namin ang trabaho (kung maituturing ngang tapos.. pag hindi kami naboljak eh di tapos na!)!  nag-impake agad kami at namili ng pasalubong (uraro, pastillas, at uraro pa, pati longganisang lucban).  Nagpunta na kami ng terminal at kumain ng huling hapunan.. Doon mismo sa una naming kinainan pagbaba ng bus galling Maynila—sa Chowking.  At sa di inaasahang pagkakataon ay nakita kong kumakain doon ang kabarkada ko nung college na look alike ni Fido Dido. Hehehe. Sana lang hindi niya mabasa to kasi aawayin ako nun.

Alas otso na ng gabi nang umalis ang bus pabalik ng Manila.  Super excited na naman ako.  Yung pakiramdam ko nung bumibiyahe ako papuntang Quezon, yun uli ang pakiramdam ko nuung pauwi na ako.  Kasi gusto ko nang Makita ang family ko.  Super miss ko na sila. Ang dighay ni daddy.  Ang pagiging cool ni mommy.  Ang pang aasar (once in a blue moon lang ito hehehe) ni ate at ang paglalambing ni karmi.

Alas onse pasado nang gabi nang makarating ako sa kamias terminal. Natuwa ako kasi buong pamilya ko ang sumundo sa akin. Iisa lang ang ibig sabihin noon—namiss nila ang pag-iingay ko sa bahay at ang pangungulit ko sa kanila.  Narinig ko din naman ito mula sa kanila.

****

Marami akong narealize nung tatlong linggo akong nahiwalay sa mga family and friends ko sa manila.  Yung normal na narerealize ng mga taong nawawalay sa mga mahal nila sa buhay.  Oo nga, tatlong linggo lang naman ako nawala, pero ang dami kong namiss.  Paano pa kaya kung wala na talaga sa piling mo yung taong malapit sa iyo---malungkot hindi ba?  Kaya naman ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa mga taong naging bahagi ng buhay ko (thank you speech? Valedictory address ito!). 

****

Sa mga nag-abang sa blog post ko, if any, eto na po. Paumanhin sa delay. You know naman me, the sched is super hectic.

Teka. iisip ako ng title ng blog post na ito. Wait lang ha.

                            

April 03, 2008

blogpost birthday special edition (palakpakan!!!)

*******

april 1.

ilang oras na lang nito, april 2 na.

di ba may point naman ako?

kakatapos ko lang mag overtime nito sa isang kliyente sa quezon city.

sinundo ako ng daddy ko at dumiretso kami sa church... ngunit bago yon, dumaan kami sa mcdo sa ortigas. gutom na kasi ako. bumili ako ng french fries na large. eight o cloch. at big mac para sa daddy ko. papunta kami ng church habang ngumangata ako ng fries. masarap.

kakatapos lang ng prayer meeting nun dumating kami ng church. nagsasalita si pastor boyet sa harap. birthday din kasi ni pastor danny. after the word, with pastor danny and jefferson, pinatayo kami sa harap. pinagpray kami. ako ang una.

"Lord, use this lady as your mouthpiece. Make her bold enough to share Your gospel."

i started to speak in different language. i cried. i thanked God for His undying love and grace.

kailangan ko na talagang tapusin ang JIL 12 training ko. please.

*******

nasa sasakyan na kami.

attendance:

mommy.

daddy.

ate.

bf ni ate (siya ang driver).

karmi

tita
ako

mga leaders ng JIL Pasig.

papunta kaming eastwood.

*******

Nasa eastwood na kami.

dun kami pumunta sa isang kainan na nagooffer ng eat all you can na breakfast from 12mn - 10am.

pero 11:45pm pa lang.

badtrip.

*******

ilang sandali pa, 12mn na.

april 2.

23 na ako.

nagpunta na kami sa kainang yun. medyo isa kami sa mga unang pumunta dahil saktong alas dose talaga kami pumasok.

table for 18 ang kinuha namin, kasi 18 naman kami.

ilang minuto ang lumipas, madami nang tao.

tsk, kalat na pala sa kalakhang maynila ang balita na mura ang eat all you can dun.

ang kinain ko lang: munting servings ng chinese rice, tocino, longanisa, hotdog, scrambled eggs, pansit malabon, at lumpiang shanghai.

wala kasi akong ganang kumain. dala na siguro ng pagod at antok.

ngunit mas pinili kong magpakasaya kasi otherwise hindi na ako pwede sabihan ng HAPPY BIRTHDAY.

matapos ang kodakan, tawanan at joke time, umuwi na kami.

alas dos na ng umaga. alas otso y media ang pasok ko.

at alas tres na ako natulog.

*******

unang bumati sa akin si pareng MG. ang lalaking nung una, tinatarayan ako. kainis. pero after 100 years narealize ko hindi naman pa siya masungit.

*******

alas sais ng umaga ako nagising. isa itong himala. marahil sa kadahilanang hindi ako nakatulog sa excitement, o dahil natatakot akong hindi magising ng maaga para sa trabaho. malabo diba? nalabuan kasi ako eh.

buti na lang walang pasok si daddy. sa bulacan sha nagwowork. walang pasok sa bulacan pag april 2 dahil birthday ng mentor kong si FRANSISCO BALAGTAS. sosyal diba? kaya naman hinatid ako ni daddy papuntang araneta avenue, sa lungsod quezon. tipid na naman sa pamasahe. yehey!

"karen, anong araw ngayon?

wednesday po.

"diba tuesday ngayon?"

miyerkules nga po....

"hala, coding tong sasakyan natin..."

yari!

kaya ang nangyari, nag drive thru muna kami sa mcdo at bumili ng agahan (part2) at kape para magising ako sa pagkaka antok. matapos nito, hinatid ako sa LRT station ng anonas, tapos iniwanan na ko ng daddy ko. ayos lang naman, naintindihan ko.

nag LRT ako. ayos. tapos jeep. tapos jeep uli.

nun nasa jeep ako, katapat kong nakaupo ang isang mag ina. kalong ng nanay ang anak niya, na masayang kumakain ng puto. ang cute niyang kumain. naalala ko tuloy nung kabataan ko. toinks! pero seriously natutuwa akong panoorin siya (habang nakatingin din sakin ang nanay nya, akala niya kasi aagawin ko yung kinakain ng anak niya), kasi parang kuntento na siya sa puto. makakain lang siya nun, masaya na siya. solb. ang babaw dba? pero tignan mo, pag tumanda yan, paastig nang paastig ang gugustuhin niyan upang makuntento. gusto na nya siguro yung harina na yung nilalapang niya. adik eh noh. seriously uli, ganun talaga siguro pag tumatanda. lumalalim ang kagustuhan sa buhay. nagiging kumplikado ang buhay. pero siguro uli, depende sa tao kung paano niya imamanage ang kumplikasyon na iyon. habang iniisip ko ito, hindi ko alam na lagpas na ako sa pupuntahan ko. badtrip.

inulan ako ng mga pagbati mula sa ibat ibang sektor ng pamayanan, sa ibat ibang paraan. ako'y nagalak.

ngunit kasabay nito ang pagtrabaho ko. hindi naman kasi holiday.

kinahapuna, dumating ang incharge ko at ang isang kasamahang staff. ang saya saya ko dahil nakita ko sila. matagal na kasi akong nasa field at palagi akong walang kasama, kaya wala akong kausap palagi. nagkwentuhan kami tungkol sa iba ibang aspeto ng buhay habang binabalanse ko ang cash flow statement na 3 days ko nang hindi mabalanse.

matapos nito, nagtext ang nanay ko. magkita daw kami sa greenhills.

*******

pagdating ko ng greenhills, nagutom ako. wala pa sila (pamilya ko uli). may part 2 pa pala ng celebration ko. kaya nagpunta ako ng kfc.

hot shots. fries. strawberry fizz.

at umorder ako ng paborito kong BROWNIES.

pagkaupo ko, inupakan ko na agad ang unang dalawang nabanggit kong pagkain. nung akmang bubuksan ko na ang brownies (na sobrang tagal ko nang inasam asam na kainin), may isang matandang babaeng nakapasok sa KFC at nanghihingi ng limos.

eh ako yung taong hindi talaga nagbibigay ng limos. kasi karamihan sa kanila sindikato lang naman. (ito po ay opinyon ko lang ha). pero mukhang gutom na gutom na yung babae. tinignan ko muna ang hawak kong brownies, napabuntong hininga, at sinabi kong, "ate, oh, eto na lang po ibibigay ko sa inyo". nagpasalamat siya, at natuwa ako kahit siya yung kumarir ng brownies ko.

matapos ng moment na yun, pumunta na ako sa promenade. nasa time zone ang mga magulang ko at kasalukuyang nagbabasketball shooutout. nakisali ako. natuwa kami at napagod sa ginawa namin. matapos nun, kumain kami sa isang chinese restaurant. ayaw ni mommy dun pero wala siyang nagawa. may isang pamilya din na kumakain dun. birthday ng isang batang lalaki. 4 years old na siya. may cake sha sa lamesa nila. nainsecure ako. akala ko libre ng restaurant yun, kaya nung nagtanong kami, bring your own cake policy pala ang sistema nila. sana pala dinala ko yung cake ko sa bahay. mas masarap yun sa cake nung bata, sigurado yun. bleh!

pagkatapos nun pumasyal pasyal kami. nakita ko sa personal si pilita corales. ang puti niya. at ang ganda. pero kahit banat ang mukha niya, halata pa din na matanda na talaga siya. ganun pala talaga siya kumanta. lumiliyad. ang cute.

pagkatapos nun umuwi na kami.

*******

pagkatpos ng mahabang araw na iyon, isa lang ang nasambit ko kay Lord bago ako nakatulog.

SALAMAT. sa lahat lahat. napakabuti talaga niya sa akin sa ika-22 na taon na lumipas. kahit may mga kinuha Siya sa akin, may mas dakilang bagay Siyang ginawa at binigay para sa akin. ang bait talaga ni Lord.

*******

huling bumati sa akin sa mismong araw ng birthday ko. si tukayo. salamat! =)

at sa lahat ng nakaalala sa akin, maraming salamat sa inyo.

sana hindi ka nagsisi sa pagbasa mo nito.

pagpalain ka ni Yahweh.

October 30, 2007

Confessions of a Bagito in the Corporate World.

OCtober 30, 2007.
26F PSE Bldg., ORtigas
ilang minuto matapos mag coffee break.

First day ko ngayon sa opisina. hindi ako makapaniwalang may trabaho na ako. hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi ako kabilang sa mga UN- at UNDER- employed sa ngayon... o maiinis dahil walong araw lang matapos ilabas ng PRC ang CPA results, hindi ko man lamang nalasap ang pakiramdam ng makapag-pahinga.  Pagkatapos ng board exam, trabaho agad.  NA-excite lang ako siguro dahil ni OJT sa school ay hindi ko naranasan.  NA-pressure din marahil.. sa kadahilanang ako na lang sa pamilya ang hindi pa nakakaranas ng feeling ng sumusweldo.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.  Na-realize ko din na ganito pala ang feeling ng tumatanda. waaah! aminin ko man o hindi, kailangan na talagang mag grow up! tapos na talaga ang maliligayang araw ko sa kolehiyo (nakakamiss mag aral pramis!).  Nalagpasan ko na din ang isa sa pinaka kahindik hindik na pagsusulit ng PRC BOA, sa tulong ni God :). BAgong career ang naghihintay sa akin.  Panibagong mga tao ang makaksalamuha ko (so far sa office mababait naman ang mga tao, taliwas sa mga tsismis na ang mga tao sa audit firm ay masusungit.) Panibago ding mga pagsubok ang kakaharapin ko. Kapalit ng lahat ng ito ay ang mga sumusunod:  Starbucks/Seattle's BEst/NEscafe 3-in-1, mga gwapong guys in long sleeves and necktie na pakalat kalat sa tektite (joke!), at ang pinakaminimithi kong sweldo (hindi naman ako mukhang sweldo..experience talaga ang gusto ko..).  At higit sa lahat, ang bawat leksyon sa buhay na hindi pa naituro sa akin simula sa kinder hanggang sa college-- mga pointers na dapat isabuhay ng isang matinong CPA.

Ang dating KAREN SANTIAGO--iyakin, pikon, masungit at medyo pasaway--ay magiging pasensiyosa, mapagbigay pa lalo, matiyaga, at medyo pikon na lang =).  Sa pagtahak ko sa panibang landas ng buhay, bilang isang matured professional.. TODO NA TO! (audience: wehhh, pauso!)

O siya, back to work na ako.

September 05, 2007

isang anekdota tungkol sa isang taong itatago natin sa pangalang...

7.10 ng umaga.

late na ako para sa law review class ko.

pero dahil hindi ako nag hapunan kahapon sobrang gutom ako.

kaysa naman pumasok ako ng gutom. malamang niyan hindi ko maabsorb ang mga pointers sa law. eh doon pa naman ako bagsak nun preboard examination. kaya kelangan seryosohin ang law.

isang beses na lang ako sa isang araw kung kumain ng kanin at ulam dahil sa: (1) mataba na ako at gusto kong maibalik ang mala-modelo kong pangangatawan (nyak!); at (2) nagtitipid ako dahil sa isang kadahilalang hindi ko maaaring isambulat dito. tsaka ko na lang ipapaliwanag.

napadaan ako sa mcdo. "hmmm. may libreng dyaryo pala dito sa mcdo. dito na lang ako kakain."

"hi mam magandang umaga... welcome to mcdonald's!" and masayang bungad sa akin ng crew na nasa counter.

dahil nagmamadali na nga ako, dumiretso na ako sa counter upang umorder. "isang longganisa meal at orange juice."

"70.00 po mam."

kaya dumukot ako ng isang bente at isang singkwenta sa aking wallet. 270 na lang ang allowance ko hanggang bukas. kaya habang binabayad ko iyon iniisip ko na hindi na ako kakain ng lunch at meryenda mamaya. kung kakain man ako ng hapunan yung budget meal na lang. sa 20.00 may kanin at ulam ka na...

habang iniisip ko ang mga ito ay binigyan ako ng kahera ng 130.00.

hala.

kamusta naman. may sukli pa! sabi ko sa sarili ko.

ang sampung segundong katahimikan at pag iisip kong iyon ay naging buong magdamag sa akin.

kung isosoli ko ang 170.00, sayang naman. eh di sana hindi na ako hihingi ng allowance hanggang linggo. at least nakagaan kay mom and dad. o kaya naman pwede kong ipambili ng hapunan mamaya.

kung hindi ko naman iyon isosoli, mapupuruhan naman ang kahera dahil magkakaroon ng discrepancy sa ibinigay ko at sa isinukli nya. kawawa naman siya kung hindi ko isosoli at sa kanya pababayaran ang nagkulang na pera.

sa sampung segundong iyon, ginawa ko ang idinidikta ng aking konsensya.

"ah, miss, 70.00 lang po ang ibinigay ko. wala na akong sukli."

"eh mam 200.00 po yung ibinigay niyo..."

mahaderang kahera to ah! napatawa ako sa isip ko lang. mas marunong pa sa akin.

"hindi miss, 70.00 lang ang binigay ko..."

tinignan niya uli ang cash register at yun, napagtanto niya na tama ang sinasabi ko.

nakita ko ang bakas ng tuwa sa kanya. marahil kasi pag nagkataon, makakaltas sa sweldo niya ang 170.00 na pilit pa nyang sinusukli sa akin.

"miss pahinging dalawang catsup..", ang sinabi ko pagkatapos.

pagkabigay niya sa akin ng aking hinihingi, nakangiti siyang nagpasalamat sa akin. nakadama ako ng tuwa sa sarili ko dahil alam kong ginawa ko ang tama. sa ganoong paraan may napasaya akong isang tao.

minsan sa buhay natin, may mga bagay tayong ginagawa na alam nating mali. pagdating sa mga ganitong simpleng sitwasyon masusubukan natin ang karakter natin. marahil walang nakakaalam sa mga ginagawa nating kabuktutan ngunit bukod sa sarili natin, may isa pang nakakaalam ng mga ito. at alam mo na kung sino yun.

note: ang bida sa istorya na to ay ayaw maglantad ng kanyang katauhan dail shy-type siya.