My Photo
Powered by Friendster Blogs
Member since 04/2005

June 29, 2008

Ang cellphone sa buhay ni Karen.

Ito po ay sinulat ko sa pagsagot sa forum thread patungkol sa Cellphone History sa www.KKBMovement.org. minarapat ko na i-share din ito sa inyo. **** 2nd yr HS ako nun unang nagka celfone. *2000 - alcatel - un pang talk and text noon. smart ung sim ko. 5k ang bili ng nanay ko dito. *2001 - nokia 3210 - pinaglumaan ng nanay na pinasa kay ate at pinasa sa akin. globe na ako nito, napressure kasi ako kasi lahat ng kapamilya ko naka globe. *2004 - nokia 8250 - isa sa mga paborito kong phone. pinaglumaan ni mommy na pinasa kay ate na pinasa sa akin. maliit siya at may calendar. kaya hindi ako nakakalimot bumati ng haberdey sa mga kaibigan ko. nawala ito. *2005 - nokia 3510 - ang una kong colored phone. pinaglumaan ng nanay ko na pinasa sa akin (atleast hindi dumaan kay ate!). nawala din. *2005 - nokia 3510 ulit. - pinaglumaan ni ate na pinasa sa akin. nawala ulit. ___commercial: kung gusto niong malaman kung saan nawala ang huling tatlong phone ko, PM me. ma-aamaze kayo promise.__ *2006 - halos isang taon din na wala akong cellphone dahil nadala na ang nanay ko sa akin. *2006 - nokia 3100 - ang cute ng cellphone na ito dahil glow in the dark ang cover, rhythmic ang lights, at malambot ang keypad. sobrang cool niya. pero binenta ng nanay ko nung magkaroon na ako ng ibang phone. *2006 - SE k700i - pinaglumaan ni ate na pinasa sa akin. ok sana siya pero ang hirap gamitin ng joystick. hindi siya user friendly. kasabay nito ang.. *Nokia 7650 - patago ko itong binili sa palengke ng pasig sa halagang 1,500. hindi ito alam ng nanay ko. kaya nung nasa bahay na ako patago akong magtext gamit ito. pero eventually nabuking din ako. nga pala, spare unit ko ito. pang smart/sun. existing pa din ito up to now. medyo sira sira na nga lang siya. *2007 - Nokia 6070 - libreng phone ito nung nagpa line ako sa globe. kabado pa si mommy nun binigay niya ito sa akin. ito yung 2nd phone na sa kamay ko unang napunta. pansin niyo ba? ngayon nasa tatay ko na ito kasi gusto daw niya nito. *2007 - kinuha ulit ni ate ang k700i. sa ngayon gusto na yata niya ibalik sa akin dahil sa pasaway na joystick. *July 2007 - Motorola L7i - yung pambili nito galing sa retirement pay ni mommy at tita ko. cool din ito kasi manipis siya. unang phone ko ito na may memory card. kaya lang nung leadership camp sa caliraya nahulog siya sa bowl. kaya nagloloko na. *sa ngayon pinagiipunan ko na ang susunod na cellphone na bibilhin ko. bago pa tuluyang masira ang current phone ko. bow!
                            

September 22, 2007

ang mga gamit ng BULLETIN BOARD. base sa aking OBSERBASYON.

ika nga ng friendster...

"Use the Bulletin Board to post messages (such as questions, party invites, event information, romance issues, etc.) to all of your friends."

ngunit sa iba... may iba pang gamit ang bulletin board.

ating isa-isahin.

**Answer sheet ng mga mahihilig sa survey. hindi ko malaman kung paano nauso ang ganitong bagay. maraming katanungan ang pwedeng masagot dito. mula sa kung anong kulay ng buhok mo hanggang sa kung sinong pinaka ayaw mong barangay tanod sa inyo. everything na katanungan under the sun.. nandito!

**inbox ng bayan. kung hindi mo feel gamitin ang private messaging system ng friendster at may gusto kang ipadalang mensahe sa isang kaibigan sa iyong friendster list (e.g., to Mr. SO and So,... Msg: MALIGO KA NAMAN! HAHAHA!), at kung gusto mong mabasa din ng buong bayan ang mensaheng iyon... ilagay lang sa bulletin board at voila! alam na ng buong list mo na si Mr. SO and So ay hindi pala naliligo. tsk!

**boxing ring ng mga nagbabangayan at gustong magpalitan ng maaanghang na salita o yung mga nagpaparinigan. minsan masayang magbasa ng bulletin board pag may ganitong mensahe.. "HOy bruja huwag mong agawin ang boyfriend ko. ahas ka! akin lang siya. at ang iyo ay akin pa din!" tapos sa dulo may nakalagay pang "you know who you are." tapos kinabukasan (applicable kapag ang dalawang magkaaway ay parehong nasa list mo. if that's the case, the merrier! hehehe) may mababasa ka mula sa isa pang tao.. "hoy ka din! hindi ko inagaw ang boyfriend mo. ANG LAKAS MO KASING KUMAIN kaya iniwan ka nya.. lugi sha sa yo pag nagdedate kayo! buti pa ako baterya lang ang kinakain ko. yung pang calculator ha. mas mura yun noh! at hindi ako ahas. BULATE LANG AKO!" at sa dulo may karugtong pang "YOU KNOW WHO YOU ARE DIN." kung ganito ang scenario alam mo na kung sino ang magkaaway! at ang pede mo lang gawin ay makisali sa away o pagbatiin sila.

**domain ng lahat ng sumpa na pwede mong maisip...gaya ng "repost this after 3 seconds or you will become a makahiya!" sa totoo lang naaaliw ako sa mga ganitong post... wala pa naman akong nirepost na ganitong uri at sa awa ng Diyos ay wala pa namang nangyayari sa akin.

**personal public diary. sounds ironic dba? kaya nga diary kasi private.. pero pag gusto mong isambulat sa buong friendster world ang latest chismis tungkol sa yo, gaya ng "nagkasipon ang ibon ng kapatid ng kapitbahay niyo.." ilagay lang sa bulletin board! (note: guilty ako dito. hehehe! pero hindi naman lahat ng nangyayari sa kin pinopost ko noh! *explain mode*)

**wala na akong maisip. kung ano pa man ang mga gamit ng bulletin board sa iyo na hindi ko nabanggit dito... mahusay! hehehe.. ipagpatuloy mo lang yan. at bakit ko to naipost? wala lang! bakit ba...

God bless! :D

January 20, 2007

usapang buhusan ng tubig imburnal

january 20, 2007.

almost 10.30am. ako'y umalis ng bahay para pumunta nang maaga sa school at mag aral ng MAS (acctg14) kasi midterms na namin sa lunes. medyo hindi ko pa siya naiintindihan bunga ng mga bagay na hindi maiiwasan. kung anuman ang bagay na yun, akin na lang yun.

ang suot ko:  yellow na cebu souvenir shirt. tattered jeans by bench, and bench flip flops. nakalugay ang buhok ko nun kasi at least mailugay lang habang basa pa... pag natuyo kasi yan... you dont want to see kung ano magiging itsura ng buhok ko. sabay naka shades ako. bakit. mataas naman ang araw ah. walang pakialamanan. madami akong dalang libro nun, pati libro sa auditing meron ako. tapos dala ko din ang mga handouts ng sample problems namin sa auditing.

nag abang ako ng tricycle. papunta sa sakayan ng fx ng quiapo. nung sumakay ako, nagtaka ako sa manong drayber, dahil dun siya dumaan sa unusual na ruta. inisip ko, ah, baka shortcut lang niya. pero nang malaon, napansin ko na hindi na sya shortcut. may isinakay pa siyang babae na nagaabang din. medyo nabadtrip ako. "ano ba, special na nga eh, nagsakay pa tong mamang to. badtrip." eh di ayun, habang bumibyahe, bigla uli siya nagtahak ng ibang daan. lubak lubak at maalikabok na daan. hala, san kaya papunta ito?

yun pala, naalala ko na pyesta pala sa barangay namin. ah, kaya pala medyo matraffic kanina.. kaya din siguro nag iba ng ruta ang drayber na itetch. tapos, dinaanan namin ang bolante compound. isang depressed area na malapit sa palengke ng pasig. tapos, napansin ko na basang basa ang mga taong nasa bangketa. at yung iba, may dalang tabo at balde at mukhang masasaya sila.

uh-oh.

yun ang nasambit ko... sabay nagpray ako...

LORD WAG SANA NILA KAMING BASA....

biglang may nagbuhos sa akin ng tubig. narinig ko ang tawanan at pangaasar ng mga lalaki.

hindi pa nakuntento... binuhusan pa ulit ako. isang tabo. at isa pa. at isa pang balde.

...IN. dun ko lang natapos ang inusal kong panalangin.

"kamote. LORD naman eh!"

yun ang nasambit ko habang may isang baldeng tubig pa ang tumilapon sa katawan ko.

basa ang bagong libro ko. basa ang bag ko, pati ang mga laman nito. basa ang envelope ko pati ang handouts ko. pati celfone ko nabasa at nasira. at higit sa lahat, NABASA AKO. ang mata ko lang ang hindi nabasa. yung eye area ko. kasi mejo malaki ang suot kong shades kaya nakaligras ito sa mapang asar na buhos ng tubig.

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na yun. yung babaeng katabi ko panay ang sabi ng $#!t... ako hindi na ako nakapagsalita pa sa galit. gusto ko bumaba ng tricycle at ayain ng suntukan yung mga nambasa... pero naisip ko din na baka kuyugin ang beauty ko nun kaya di ko na tinuloy ang maitim kong balak.

habang nagiisip ako ay may nambuhos uli. at hindi lang sya ordinaryong tubig. hindi tap, hindi poso... dahil medyo gray ang kulay ng tubig.... kung ano ang iniisip mo... kung san nanggaling ang tubig na yun... basahin mo na lang ang title ng post ko. yun na.

grabe. bakit may mga ganung tao? hindi ako nakapasok dahil sa nangyari. sabi ko sa manong... IUWI NIYO NA KO!

sabi ba naman... "dun ba uli tayo dadaan?"

gusto ko umbagin nang pabaligtad ang draber na yun kasi pakiramdam ko... pinagkaisahan nila ako!

nung umuwi na ko ng bahay, direcho CR ako at binuksan ang shower. para akong nagahasa "OA nuh" na kakaiyak.. kasi hindi ko matanggap ang nangyari sa akin. tinawagan ko ang mga kapamilya ko upang ibalita ang trahedyang nangyari sa akin. ang hindi ko alam, madami din nakaalam dahil pinagkalat ng nanay ko sa office nila yung nangyari sa akin. pero ayos lang. nanay ko naman yun eh.

ang masasabi ko lang. hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari sa akin. as in.

kung ikaw ay kumakain at naiyak sa pagbasa ng post na ito, excuse me po.

June 14, 2006

tapos na ang maliligayang araw ko!

yup, you read it right. tapos na ngang talaga. kasi pasukan na naman! waaaahay! madami pang activities ang nag aabang along the way. sa USBC, sa SSC, at sa ACCOUNTING 8 10 11 12! wahahaha... nakakabaliw yata ito nuh. God bless na lang sa ating lahat!

ONE YEAR NA LANG GAGRADUATE NA DIN AKO! :D

Sige yun lang, uuwi na ako.

**p.s. thanks pala sa lahat ng pumunta sa bahay namin last june 10... nung house blessing namin... sa mga hindi pumunta na pinapapunta ko... HMP! hehehehe, joke lang. well, ganun talaga eh.

May 19, 2006

it's a cold summer.

one week more to go. finals na. heto na naman, kakabahan na naman ako. tensionado.

i really think that this summer is one of the hardest... pano ko nasabing hardest? aside from the fact that im taking advance accounting subjects, everyday... wholeday... may mga nangyaring kakaiba sa kin ngayon.

sa studies... sobrang toxic! gigising ako nang maaga para pumasok sa school ng maghapon, then afterwards uwi na agad,,, madalas ginagabi pa ako ng uwi... mahirap kasing sumakay sa terminal kasi konti lang ang tao sa recto... tapos ganun! araw araw, paulit ulit lang ang ginagawa ko... gising, kain, byahe, aral, kain, uwi, aral, tulog... nakakasawa. sa totoo lang. pero, iniisip ko na lang, di bale.. one week na lang naman at enrollment na naman for my final year in school!

tapos... i was elected exec. secretary ng student service center sa school, parang yun ang central student council. tapos appointed president ng usbc (org ng body of christ sa school). at first ayoko talaga, kasi dagdag responsibility yun.. tapos masasabay pa sya sa mahihirap kong accounting subjects... pero matagal ko ding pinag isipan... i realized lang na hindi naman yun ilalagay sa akin kung alam nilang hindi ko kaya diba... kaya yun, tinanggap ko na din... sa una lang siguro maninibago ako... pero i know makaka adjust din ako...

hindi na din ako active ngayon sa ministry,... sa church... honestly, spiritually dry ako. ewan ko... kahit nagbabasa ako ng Bible and nagpepray... pag hindi ako nakaka attend sa church... nakakapanghina pa din. kasi kahit sunday nag aaral ako... ang hirap kasi talaga... basta hindi ko maexplain...

family... ayos naman. eto, hindi ko na sila nakikita nang madalas. kasi araw araw sa bulacan na ako umuuwi, sila madalas sa pasig. si daddy and karmi minsan sa bulacan umuuwi... minsan nga nakakalungkot mag isa eh. kaya nga pagdating ko galing school, kakain na lang ako, tapos aral, then tulog na. wala naman kasi akong makakausap dun, mag isa lang kasi ako.pero konting tiis na lang, pag nagawa na ang ang haus namin sa pasig makakasama ko na silang lahat...

lovelife. ahmmm... complicated. sobra. nakakatawa lang, kasi pag gusto mo ang isang tao, hindi na siya pwede... pag siya naman ang pwede... ako naman ang hindi. nakakatawa lang. basta. ayoko na talaga. mag aaral na lang ako.

madalas akong mag isa ngayon. kaya malungkot. tapos maiiwan ka pa ng ibang tao. kung kelang kailangan mo sila, hindi mo mahagilap. nakakaiyak. pero knowing the fact that God is always there to help and comfort me, kahit pasaway ako... ok na din kahit paano. pero mas ok pa din yung palagi kang may kasama at nakakausap from time to time. sa school, masayahin at makulit akong tao. pero pag labas ko na sa school, iba na... dun ko nararamdaman yung sadness of being alone. basta.

yun lang. thanks pala sa lahat ng nagcocomment ha. :) appreciated.

God bless sa ating lahat at sana malagpasan ko na ang summer course ko! sana maka graduate na ako... sana maging CPA ako! hayyy...

February 04, 2006

bagong bahay. bagong buhay.

andito ako sa netopia cubao ngayon. pagkatapos nito bibyahe na ako papuntang bulacan. kakatapos ko lang ayusin kanina ang mga gamit ko (as in lahat) sa pasig. kasi sa monday, gigibain na yung bahay namin dun. irerenovate. kaya habang ganun, sa bulacan na ako magsstay. tska magkaka sunday class na din ako. may PFRS seminar kasi sa school. sayang naman kung hindi ako aattend. updates yun sa PAS... accounting standards. hay. makakatulong sa akin yun sa palagay ko.

pero ngayon, iniisip ko, kahit magawa na yung bahay sa pasig, ayoko na bumalik dun. kasi mas madali ang biyahe ko papuntang skul pag galing akong bulacan, pinakamatagal na ang 1 hour, tapos sa mismong skul na ako bababa. unlike sa pasig na 1.5 hour ang biyahe pag walang traffic. tapos pangit pa mga FX (hehehe) compared sa bulacan na puro van ang sasakyan. hehehe.

kaya lang, pag tumuloy na ako sa bulacan at pag binalak ko na dun na talaga magstay, madami ang maapektuhan. specially ang ministry ko sa kkb and music sa pasig. mamimiss ko lahat ng mga tao dun, specially yung mga mothball girls and rugby boys, mapapalayo na ako sa kanila.  confused pa ako hanggang sa ngayon.  kaya nga sobrang pinapgpepray ko ito kasi ayokong magkamali sa gagawin kong desisyon. 

mejo magulo nga ngayon eh, kasing gulo ng bahay namin sa pasig.  kasi pag ginawa na yung haus dun, sina mom and ate sa pasig magsstay, sa haus ni tita ko, tapos kami ni dad and karmi sa bulacan, kasi mas mabilis ang biyahe dun.. so parang magkakahiwalay kami. eh im not used to that kasi ever since magkakasama na talaga kaming buong family.  though there are times na nag aaway at nagkakatampuhan, things are fixed up after a day or two. hehehe. ewan ko magulo talaga promise.

ngpla, sencia na pala kung madami akong magpost ng bulletin ha. pero naman, hindi naman ako nagfaflood dba, iba ibang bulletins naman yun, tska di ko naman kayo pinipilit na basahin mga bulletins ko eh.  pwera na lang kung sobrang important. pero anyway, pasencia na nga lang. babawasan ko na ang mga bulletins ko hayaan niyo.

next week nasa mariveles ako. inaya kasi akong maka date ng pinsan ko na nagsstudy sa MAAP (maritime academy of asia and pacific ba yun). excited na nga ako eh. hehehe. mukhang masaya yun. tska first time ko mag out of town na ako lang mag isa ang bibyahe. hehehe! adventure ito! sana lang hindi ako maligaw. hehehe ulit.

well! yun na muna cguro! salamat sa mga nagcocomment d2 sa blog ko. wag sana kayong magsawa na bumisita dito. ehehehe. God bless mga friends. aalis na ko. madami pang aayusin eh. hay. naku.

May 21, 2005

worship night mamaya

kakagaling ko lang sa church ngayon... naka assign kami kasi mga kkbs na mag HIGH5 sa church... pero wag ka! ako may sariling... HIGH5...THIRTY.. ngyahahah... tinanghali kasi ako ng gising, kaya as expected im the subject of kantyawan pagdating ko sa church... hheehe... pero ayos lang at least humabol ako dba... saya talaga ng feeling pag kasama mga kkbs na nagpepray! and then mamaya, (today is may 22, 11.30AM), may worship night sa PUP, and excited ako sa mga mangyayari mamayang gabi... and the thing is, wala na akong summer class kaya ok lang na gabihin ako hehehe! :)

sa ngayon, maraming gumugulo sa isip ko (tao, bagay, pangyayari)... samut saring mga isipin ang mga iniisip ko ngayon... pero ayos lang at least beauty pa din! hehe!

hoy grabe na ikaw ha, mag comment ka naman! puro ka naman basa e... nakakainis na ha... hehehe, demanding ba! pasencia na! :) para na yata akong baliw kasi kung anu ano na ang nasasabi ko...

GOd bless sa yo na nagbabasa ng post ko at sana kahit paano may napulot kang katuturan sa mga nilagay ko d2... sa title pa lang ng blog ko, may sense na nuh! hehehe!

greetings: 

hello sa mga classmate ko sa UST, sa JPIA and PRECOM, miss ko na kayong lahat. kelan ba ang next gig natin, lalo na sa mga tga 3A5 (as if namang may nasamahan na ko kahit isa man lang hehehe). sabi ko kasi sa inyo sa eastwood naman tayo pambihira...

hello sa mga churchmates ko sa JIL Pasig, lalo na sa KKB! mga ka bro at ka sis ko yan! kahit nakantyawan ako kaninang umaga ayos lang,,, :) kitakits sa mga susunod pa nating activities and i believe that the Lord will guide us! :)

hello sa mga friendships ko sa kkb ust, kkb recto, and sa youth center... lalo na sa mga pumunta ng youth camp last last week. i pray na kahit pano ay nasiyahan kayo sa mga nangyari sa paenaan hehehe...

sa mga staff ng kkb east sector camp... kitakits sa may 27 balita ko kasi may tnxgiving daw tayong lahat! yahu, kainan na ito! :) miss you all!

hello din sa dalawa kong kapatid na magagandat seksi na sina ate kariz at karmi...

hello din sa JIL Performing arts--elyondoulos, triune, movenerate, ACTS! lalo na sa ACTS! --kuya marc, ate mace, ate ode, mark d., jun, kuya mayong, gil, jr, mark d! may nakalimutan pa ba ako! pasencia na kung hindi ako nakakasama sa mga prayformances natin... yaan nyo babawi ako sa inyo!

pati sa mga kasama kong nag ha-HIGH5! mag high5 tayong lahat!

ocia so much for all of these.. mag aayos pa ako ng costume hehehe! :) God bless!

***COMMENT NAMAN JAN NUH!